Perrie. “Miss?” I got back in my reverie when someone snaps his fingers in front of me. “Hala! S-sorry po, sir!” Hindi ako magkandaugaga sa pagbaba ng ulo para humingi ng pasensya sa matanda. Ramdam ko ang pamumula ng aking pisngi dahil sa pagkapahiya. Hindi ko namalayang napatulala na pala ako sa kanyang mga mata. He looks like he has a foreign-mix of blood. May ilang strands ng puting buhok pero hindi naman halata sa tikas at tindig niya. Sa tingin ko ay nasa mid-70’s na siya. Hindi ako sigurado. May halong puti na rin ang balbas at bigote niya pero hindi iyon naging hadlang para hindi makita na may itsura ang matanda. Sigurado ako na maraming babae ang nagkandarapa sa kanya noong kabataan pa lang niya, at baka nga hanggang ngayon. Hindi ako sigurado pero parang pamilyar ang muk

