Perrie. “Hindi pa po ba ako uuwi, Mama?” Itinigil ko ang pagbabalat ng mansanas nang hawakan ni Pia ang kamay ko. Ibinalik ko muna iyon sa mesa bago maingat na hinaplos ang kamay niya na mayroong dextrose. Kapansin-pansin ang pamamayat niya, pero hindi ko ipinahalata sa kanya ang lungkot na nararamdaman ko. Halos makapa ko na ang buto sa kanyang braso. “Hindi pa pwede, baby. Kasi nga po, nagpapagaling ka pa.” Nginitian ko siya habang marahang hinahaplos ang kanyang mukha. “Ayaw mo ba rito? Aircon nga rito, malamig. Dati mo pa gustong magkaroon tayo ng aircon, ‘di ba, kasi mainit sa atin sa probinsya?” Idinaan ko na lang sa biro ang lahat. Kung pwede lang akuin ang sakit na nararamdaman ng kapatid ko, gagawin ko. Para hindi na siya nahihirapan pa. Kanina ay kinausap ako ni Dra. De

