Parati akong umaasa na sana ay makita ko si Luther kahit sa isa man lang sa mga bar na pinupuntahan namin. Kahit nga alam kong malabong mangyari iyon. Walang kasiguraduhan kung nandito ba siya sa loob ng bansa, pero nasagot ang tanong kong iyon nang makita ko siya kagabi sa Tagaytay. Pero noong makita ko naman siya ay hindi ko na alam kung ano ang gagawin. Noong mga oras na iyon ay halos hindi gumana nang maayos ang utak ko. Parang bigla itong na-blangko. Ang kaya ko lang gawin noong mga sandaling iyon ay magtago at tingnan siya mula sa malayo. Ang sakit-sakit. Masakit para sa akin na makita siya pero hindi ko man lang mahawakan. Hindi ko man lang mahagkan. Hindi ko man lang mayakap kahit na sandali lang. Ang tangi ko na lang nagawa ay ang umiyak habang pinagmamasdan siya. Pinangunaha

