Perrie. “S-Sir… b-baka naman po nabibigla lang k-kayo?” Nagkandabulol-bulol na ako sa pagsasalita. Alam kong para akong binuhusan ng suka sa sobrang putla ko sa mga oras na ito. Girlfriend? Gusto akong maging girlfriend ni Mr. Emmett Guerra?! Na halos tinuturing ko nang tatay/lolo ko?! Kung nananaginip man ako ngayon ay sana mayroong sumampal sa akin para magising na ako! At bakit ba siya nag-aalok ng ganito? Wala ba siyang asawa? Balak pa ba niya ako gawing kabit? Wala akong planong manira ng pamilya. Diyos ko po! Natigil ako sa pag-iisip nang humalakhak ang matanda. Naglipat ang tingin ko sa kanya. Paano kaya nagagawang tumawa ni Mr. Emmett sa mga oras na ito matapos magbagsak ng tanong na wala sa hinagap ko na magmumula sa kanya? Kung nangti-trip man siya ay bakit naman ako pa an

