"Kaya mo ba kamo kinuha ng anak ko? Dahil balak mong angkinin din at itago sa kaniya ang magiging anak namin?" Nahulaan na niya ang gusto nitong mangyari. Lumakas tuloy ang loob niya dahil alam niya na hindi nito kayang saktan ang sanggol sa tiyan niya. Alessandro smirked. "You're one hell of a smart and brave woman, huh." He gripped her chin and his grip move to her neck then squeezed it. "You don't look scared and you're so calm. I dislike women like you. Pero kapag ginawa ko na ito sa'yo," kinuha nito ang baril at itinutok sa malaking tiyan niya, "will you still stay calm and brave?" Ang isang kamay nito ay mahigpit pa rin na nakasapo sa leeg niya. Hindi na makahinga nang maayos si Dianne at naninikip na ang dibdib niya pero hindi pa rin siya nagbaba ng tingin hanggang sa bumagsak an

