"You can call me insane or call me whatever you want. But I think, I'm already in love with you, Dianne." Natulala siya kay Massimo. She was speechless for a moment that she did not know what to say. Bahagyang umawang ang mga labi niya dahil sa gulat ngunit wala pa rin siyang maapuhap na sasabihin. Ano nga ba talaga ang dapat niyang sabihin? O ang isasagot sa taong inakala niyang pinaglalaruan lang siya pero heto at nagtatapat ngayon sa harapan niya. Nagsasabi na mahal siya. At bakit parang gusto niyang umasa na totoo ang mga sinabi nito at hindi laro-laro lang? Naguguluhan na nagbaba ng tingin si Dianne. Hindi naman niya kayang basahin sa mga mata ni Massimo kung nagsasabi ba ito nang totoo o hindi. Ang sigurado lang kasi siya ay sobrang lakas ng kabog ng dibdib niya na hindi niya

