Desiree Larrson Smith "Are you really sure na ok na 'tong gift ko kay Nanay Gene?" Tamad na tumango si Ville habang pokus sa pag mamaneho. "Makadalo ka lang doon ay sapat na sakanya, Larrson. Gifts are not her thing." Natuloy ako na makasama kay Ville patungo kina Nanay Gene. Kahit nakapag usap na kami ni Evan kagabi ay hindi ako panatag. The kiss that happened last night was just a friendly kiss. It has no malice, no romantic meanings or what. Pero...syempre if I were in his position. Masasaktan din ako. Bumuntong hininga ako atsaka tinanaw na lamang ang mga pamilyar na tanawin sa bintana. Itong daan na tinatahak namin ay patungo sa bahay nya. Malapit lang kasi sakanila sina Nanay Gene. Tumunog ang phone ko. It's a text message. Evan: I love you. Nasaan na kayo? May kun