Desiree Larrson Smith Ito na ang kinatatakutan ko na dumating. Yong saya na parang kanina lang nagaganap ay agad napalitan ng lungkot at takot. Ramdam ko ang higpit ng hawak ni Evan sa kamay ko. Halo-halo ang emosyon na nararamdaman ko ngayon. Samu't saring sinaryo ang nabubuo saaking isip. Tumulo ang luha ko ng maalala ang litrato ng magulang ko. Hindi ko maatim na isipin ang maaaring ginagawa at dinadanas nila ngayon sa kamay ng mga demonyong iyon. Gustong gusto ko na sila tapusin! "Sshh. Tahan na..." Liningon ko si Evan sa tabi. Kasalukuyan kami tumutulak patungo sa magulang ko. Si Mostar ang nag mamaneho. Iniwan naman namin si Beatrice kay Hana dahil delikado ito. Sobrang delikado. "Evan..si M-mom and D-dad..." nanginginig pa rin ang boses ko. Gusto ko na lumipad at makara