Desiree Larrson Smith "Ma'am Desiree! Mabuti dumating ka..." dumahan ang lakad ni Hana palapit ng mapansin nyang hindi lang kami ni Beatrice ang dumating. "Oh...Sir Evan kasama rin po pala kayo." bati nya at lingon saakin na binigyan ako ng nag tatanong na mata. "We're just on time right Hana?" tanong ni Evan. Agad tumango si Hana na kating kati ng malaman kung ano ang nakikita sa harapan nya. Sigurado akong tatadtarin ako ng tanong nito. "15 minutes na lang po at aalis na. Mabuti pala nag pa-reserve ako ng tatlong upuan sainyo." Gustong ngumisi ni Hana pero dahil masama ang pukol ng tingin ko sakanya ay pilit nya ito pinipigilan. Humilig si Beatrice saakin na halatang inaantok pa. Umakbay naman si Evan sa anak at mabilis na hinalikan ang nuo. "Daddy, I'm still sleepy." maanto