bc

NAUGHTY WIFE OF A BILLIONAIRE ( EM&Z )

book_age18+
1
FOLLOW
1K
READ
HE
arranged marriage
playboy
kickass heroine
heir/heiress
drama
sweet
lies
like
intro-logo
Blurb

Simple lang si Emmanuela, may mga prinsipiyo siya sa buhay na kanyang sinusunod. Hindi din niya hangad na yumaman basta ba nakakaraos sila at walang nagkakasakit. Ngunit isang pangyayari ang naganap upang magbago ang kanyang kapalaran. Isang araw, nagising na lang siyang asawa na siya ng isang bilyonaryo na nuknukan ng pagka-playboy. Ano bang nangyari at naikasal siya sa isang bilyonaryo? Ngayong iba na ang mundong kanyang ginagalawan, nababagay nga ba siya bilang asawa ng isang bilyonaryo? Babaguhin niya ba ang kanyang sarili para lamang bumagay siya sa mundo ng alta sociedad?

chap-preview
Free preview
C-1: The Youngest Son
As usual laman na naman ng disco bar si Zero King Lagdameo o mas kilala sa pangalang Z. Nakapaligid ang kanyang mga kaibigan habang sila ay umiinom, kumakanta at sumasayaw. Sa ibang panig ng disco bar ay mga naglalampungang magkakapareha na hindi na matiis ang kanilang kalibugan. Maingay, mausok, mainit at siksikan ang naturang bar subalit hindi alintana ng mga katulad nina Z na pagbubulakbol at pagre-relaks ang kailangan. "Z, Ada is here!" Sigaw ni Clement kay Z nang malingunan nang binata ang pamilyar na pigura ng isang babae na nakatayo habang pinapanood sila. "What?!" Ganting sigaw ni Z. "Ada is here!" Ulit naman ni Clement. Nawala ang ngiti sa labi ni Z at sinulyapan niya ang kinaroroonan ni Ada. Laglag ang mga balikat na Z na lumapit kay Ada. Si Ada na two weeks na nitong girlfriend pagkatapos nitong makuha ang gusto nito sa babae ay kanya ng iniwasan. "Paano mo nalamang narito ako?" Walang kabuhay-buhay na tanong ni Z. "Ikaw, anong ginagawa mo rito?" Balik tanong ni Ada na kay sama nang tingin sa babaeng hapit- hapit ni Z kanina lamang. "I'm just having fun!" Sagot ni Z sabay tawa. "Ang kapal naman nang mukha mo at nagawa mo pang magpakasaya pagkatapos mo akong iwasan ng ilang araw?" May hinanakit sa boses ni Ada. "Hindi mo pa ba ako kilala? Kung nakinig ka sana sa babala ng mga kaibigan mo, 'di sana hindi ka iiyak- iyak ngayon?" Kibit-balikat na turan ni Z. Tuluyan nang nalaglag ang mga luha ni Ada akala nito mahal siyang talaga ni Z subalit nagkamali pala siya. Alam na ng dalaga na nuknukan ng pagka-playboy ni Z subalit minahal niya pa rin ito sa kabila ng negative reactions tungkol sa binata. Binalewala ni Ada lahat ng paalala at payo ng mga taong nagmamasakit sa dalaga. Si Ada na bunsong anak ng isa sa kasosyo ni Don Zachary sa negosyo. Kadarating lamang ni Ada mula sa States dahil doon ito nag-aral, na- love at first sight ito kay Z sa una nilang pagkikita sa isang gathering. Napangisi naman si Z. "Wala na tayo hindi ba? So, it's my right to have fun whatever I like. Taas baba naman ang dibdib ni Ada dahil sa sakit na narararamdaman nitong sakit at hinanakit kay Z. "Makarma ka sana Z!" Singhal ni Ada pagkatapos ay tumalikod na ito paalis sa kinaroroonan ng binata habang umiiyak. Napaikot na lamang ni Z ang mga mata nito at bumalik ito sa kanyang tropa na parang walang nangyari. "Let me guess Z? Isa na namang babae ang kawawang naghahabol sa'yo and you rejected her right?" Kantiyaw ni Laurence. "Ano pa bang bago," kaswal na sagot ni Z sabay tungga sa kanyang hawak na basong may alak. Nagkatawanan ang lahat saka sila naghiyawan sabay cheers sa isa't-isa. And that's Z, para sa kanya kasi ang babaeng unang nagpapakita ng motibo sa kanya ay nakakawalang gana walang thrill. Pinagbibigyan niya lang ang mga ito pagkatapos ng love making hayun na, hinihiwalayan na niya ang mga ito nang ganoon na lamang. Tapos na ang tungkulin nito at back to normal na naman ang lahat kay Z. "Sino naman ang next target mo ngayong single ka naman?" Nakangising tanong ni Milo. "Depende, kung sino ang lalapit." Natatawa namang sagot ni Z. "That's my Boy!" Sigaw naman ni Clement. Muli silang naghiyawan at saka nagpingkian ng kanilang mga baso sabay inom ng kanilang mga alak. Muli pa silang umorder ng kanilang mga alak nang maubos na nila ang mga naunang inorder nila. Hindi na nila namamalayan ang oras saka pa lamang sila natigil nang biglang dumating ang Butler ni Z. "Oras na ng iyong pag-uwi," wika ng Butler. "Ano ba 'yan? May curfew na naman," himutok ni Z na halata ng lasing. "Bitbitin niyo na siya," utos naman ni Butler Samuel sa mga bodyguard ni Z. Salita pa rin nang salita si Z kahit pa bitbit na siya ng kanyang mga bodyguard. Wala namang sumasagot sa binata lahat ay tahimik hanggang sa marating na nila ang Mansyon. At doon, madilim ang anyo ni Don Zachary na naghihintay sa pagdating ng bunso niyang anak. "Lango ka naman sa alak Z! Hanggang kailan ka ganyan? Kapag namatay na kaming lahat? Ano na ang magiging buhay mo ha?" mga sermon ni Don Zach. Napakamot naman si Z sa sarili nitong ulo na para bang naririndi sa mga sinasabi ng Don. "Dad, hindi ka ba nagsasawang sasabihin sa akin 'yan? Kabisado ko na nga lahat ng linya mo eh!" Tinatamad na sagot ng binata. "Aba't lapastangan ka talaga na anak!" Singhal ni Don Zach at hahatawin na sana nito si Z subalit mabilis na dumating si Donya Mia. Agad na pinigilan ni Donya Mia si Don Zachary sa paghataw sana nito kay Z. Ang sigaw ng Donya ay bumalabog sa buong Mansyon kaya ang iba ay nagsilabasan. "Kaya lumalaki ang ulo niyan kinukunsinti mo!" Galit na sabi ni Don Zach kay Donya Mia. "Saka mo na kausapin kapag hindi lasing," mahinahong sagot ng Donya. "Lagi na lamang ganyan? Kailan pa siya magseseryoso sa kanyang buhay? Kapag wala na tayo? Sino na ang magtuturo sa kanya gayong puro kalokohan ang kanyang alam?" Galit pa rin ang Don. "Bata pa siya Zachary," giit ni Donya Mia. "Anong bata? Hindi na siya bata, dahil alam na din niya kung papaano maging malibog!" Singhal pa din ng Don . "Zachary!" Bulalas naman ng Donya. "Bakit hindi siya tanungin kung ilang babae na ang kanyang nakasiping pagkatapos ay hihiwalayan agad-agad? Iyan ba ang bata pa?" Sumbat ng Don. "Kasalanan ko bang sila ang lumalapit?" Sagot naman ni Z. Mas lalo tuloy nagalit si Don Zachary at akma na naman niyang hahampasin sana si Z subalit mahigpit itong niyakap ni Donya Mia. Hinila naman nang bahagya ni Butler Samuel si Z para hindi maabot ng Don. "Ilayo mo na siya Samuel, please!" Baling ni Donya Mia kay Butler Samuel. Mabilis namang inilayo ni Butler Samuel si Z at dinala na nila ito sa kwarto ng binata. Nilisan pa ni Butler Samuel si Z bago ito tuluyang nakatulog na panay pa rin ang salita nito. "Bukas grounded ang batang 'yan! Huwag mo akong kontrahin Mia," desisyon ni Don Zachary. "Oo na. Huminahon ka na at baka tumaas ang blood pressure mo!" Sagot ng Donya sabay abot ng isang basong tubig sa kanyang asawa. Kinuha naman iyon ni Don Zach at ininom iyon. Siya namang paglapit nina Zian at Zari mga kapatid ni Z. "Bukas niyo na lang kausapin Dad," wika naman ni Zari. "Ayoko siyang makausap hanggat hindi siya ang kakausap sa akin." Sagot ng Don. "Oras naman na siguro para bigyan siya ng leksyon para magtanda siya." Wika naman ni Zian. "No. Kailangan niya lang ng gabay at pangaral," agad na kontra ni Donya Mia. "Kailan siya matututo kung palagi niyo siyang kinakampihan?" turan ni Zian. "Tama na. Alam niyo kung ano ang kanyang traum intindihin niyo siya ." Awat ni Donya Mia. Napabuntong-hininga naman si Don Zachary habang nakatingin kay Zian. "Kung hindi niyo siya kayang intindihin ako na lang. Pabayaan niyo akong gabayan pa siya nang mas matagal!" Dagdag pa ng Donya. Walang makapagsalita maski ni isa sa kanila lalo na nang tahimik na umalis ang Donya at umakyat na sa taas. Nagkatinginan naman ang mag- aama pagkatapos ay tahimik na din silang nagkahiwa- hiwalay. Malalim na ang gabi kung kaya't naipasya nilang bukas na nila pag- uusapan muli ang ginawa na namang kabulastugan ni Z, ang pasaway na bunsong anak ni Don Zachary.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

30 Days to Freedom: Abandoned Luna is Secret Shadow King

read
291.0K
bc

Too Late for Regret

read
212.6K
bc

Just One Kiss, before divorcing me

read
1.4M
bc

Alpha's Regret: the Luna is Secret Heiress!

read
1.1M
bc

The Warrior's Broken Mate

read
121.6K
bc

The Lost Pack

read
246.4K
bc

Revenge, served in a black dress

read
120.3K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook