Point of view - Kathleen Vergara - Mahigit thirty minutes na rin ang lumipas nang dumating ang lalaking ito at umupo sa upuang nasa tapat ko. Sa paglipas ng minuto na iyon, ni isa sa aming dalawa ng lalaking ito ay hindi nagsasalita. Sa tanang buhay ko, ngayon lang ako nahiya nang ganito at ngayon lang din ako natahimik nang ganito. Kadalasan kasi, ako ang nagsisimula ng mga usapan, ako ang sumasagwan, pero ngayon, I feel awkward sa gwapong fafa na ito. Kasalukuyan akong nakapalumbaba habang sinisipsip ang straw ng inorder kong mango juice, habang pasulyap-sulyap ang aking tingin sa lalaking katapat ko na abala naman sa kanyang cell phone. "Hindi ba tayo o-order?" Pagbasag niya sa katahimikan na namamagitan sa aming dalawa. Sa wakas narinig ko rin ang boses niya. Ang lalim ng kanyang