Chapter 6

2479 Words

Point of view - Raven Beringer – Naglalakad lang kami ng lalaking si Johnny sa loob ng building na tinatawag nilang RnJ Facilities. Hindi ko maipagkakaila na maganda ang interior ng kanilang head office, may receiving area ito at may hitsurang maaaring tumapat sa mga international hotels. Tila nakikita ko rito ang mga hotel na tinuluyan ko noong panahong may concert tour pa ako. Sa aming paglalakad, tumawid kami sa isang connecting building na lubos ring nakamamangha ang hitsura, saka kami pumasok sa isang opisina na may maganda ring interior design. "This is RnJ Information Department. All information, confidential data, and information technology are being processed here.” Turo niya sa lugar na ito Mayamaya pa, isang babaeng may dalang folder ang pumasok sa opisina kung nasaan kami

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD