Point of view - Kathleen Vergara – Isang halik sa pisngi ang iniwan ko kay mommy bago siya sumakay sa kanilang kotse. Nang siya ay nakaupo na sa loob, binaba niya ang salamin ng bintana at muling nagpaalam sa amin ni Raven. "Mag-ingat kayong mag-asawa sa pag-uwi, ha. Ingat sa pag-di-drive, Raven." "Opo po, madame." "Ano ka ba, tawagin mo akong mommy, tutal, parte ka na ng pamilya." "Sige po, m-mommy," magalang na sagot ni Raven. "Oo nga pala, saan ba kayo umuuwi?" "Sa Quezon City po," saad ni Raven "Sa Manila po," saad ko Nagkatinginan naman kami ni Raven dahil sa magkaiba naming sinabi. Tila wala na kaming tinama sa mga impormasyon namin. Nababakas naman ang pagtataka ni mommy sa sinabi naming dalawa, kaya agad na akong nagsalita. "Ah, sa Q