CAGE 76 KINUMPAS ni Sidney ang kamay niya paibaba, ang siyang biglang pagsabok ng abo sa hangin ng kaluluwang itim, agad na siyang tumakbo, mahuli man siya sa paglabas dahil sa nakaka litong pasikot sikot sa maze, ang kailangan niyang gawin ay buhay hanggang sa matapos ang pagsusulit. May iilan siyang naririnig na tili ng isang babae, ngunit hindi na lamang niya pinansin, malamang isa sa mga katunggali ang sumisigaw, sa isip-isip niya. Kumanan siya sa isang pasilyo, kaliwa naman at isang diretsong daan ang tinatahak niya. Hindi pa halos nag uumpisa ang pagsusulit na nakakaramdam na siya ng kaba at pinag papawisan din siya. Mas lalo siyang kinakabahan dahil sa mga kalabang hindi na kikita, ayaw na ayaw niya sa lahat ang ginugulat siya. Muli siyang kumaliwa at pinapakiramdaman ang nasa pa