DEATH 104 NARINIG nang tatlo ang ingay sa siyudad, nakita nilang naka tayo sila sa isang mabaho at masikip na eskinita. "Halika na, kulang ang isang araw sa mundo ng mga mortal ang paghahanap sa katulad natin." Aniya ni Tina, sumang ayon naman sila Jonas at Lexi. Sabay-sabay silang naglalad palabas ng eskinita wala silang pake alam kong anong magiging reaksyon ng mga mortal sa itsura nila, dahil sa suot nilang itim na pandong. Namangha agad si Lexi sa mga naglalakarang tao sa sidewalk, hindi niya inaasahan na napaka laki ang mundo ng mga mortal at maraming kakaiba para sa kanyang paningin, tama ang pagtuturo sa kanila tungkol sa mundo ng mga mortal. Kaliwa't kanan ang mga kotse, may iilan ding napapa sulyap sa kanila, hindi na pansin ni Lexi ang ipang beses na pagtawag sa kanya ng dal