CAGE 79 HATING gabe na at wala nang masyadong katao-tao sa bawat pasilyo ng Swiss Guild, maliban sa isa, kay Mastet Caster John Rey. Mahangin sa gabeng yon na pumapasok sa mga bintana ng pasilyo, kaya bahagyang nililipad ang kanyang buhok, pati rin ang laylayan ng toga niya sa may paanan ay nililipad lalo na sa pagmamadali niya. Isang kaluskos naman ang narinig niya sa bandang likod, kaya bahagya niyang pinakiramdaman, lumingon siya sa likuran ngunit wala naman siyang nakikita. Naglakad muli siya ngunit sa pagkakataon na yon ay dahan-dahan na siyang humahakbang. Tanging mga torch sa bawat poste ang nagsisilbing ilaw sa buong pasilyong nilalakaran niya. Na hinto na naman siya ng maramdaman na may sumusunod sa kanya kaya agad siyang huminto, sa pagkakataon na yon, nararamdaman niya ang