BLOOD 46
HULI na sa unang klase si Edriana at sa pangalawa kaya kailangan niyang maghintay pa sa pangatlo. Tumambay na lamang siya mag isa sa cafeteria at nakipag batian sa mga ka schoolmate niya. Napa sulyap siya sa pangatlong lamesa mula sa kanyang kina uupuan at naka upo doon si Kaden mag isa. "Anu ba talagang kailangan niya sa akin, talaga bang itong arrow lang ang kailangan niya, napaka oa naman kase." Bulong niya sa kanyang sarili, nakita niyang naka tayu na si Kaden at lumabas ng cafeteria.
Tumayo at lumabas din si Edriana para sundan ang binata. Nagpasikot sikot ito sa pasilyo at lumabas ng gusali kaya ganun din ang ginawa ng dalaga. Sunod lang siya ng sunod hanggang sa makarating sila sa gubat sa likod ng campus. Huminto sa paglalakad ang binata dahil alam niyang nasa likod si Edriana at ganun din ang dalaga. May tatlong metro ang binata at humarap ito sa dalaga. "Ibalik muna sa akin yung palaso ko."
Hindi makapaniwala si Edriana kong gaanu ka arogante magsalita ang binata sa harap niya. "Sinu ka ba para utosan ako? Kilala mo ba ako?"
"Hindi."
"Ganun---teka pero nagpakilala na ako sayu."
"Wala akong pake alam," wala ka emo-emosyun na saad ni Kaden sa dalaga. "Ibalik muna ang palaso kong ayaw mong madamay sa gulo."
"Alam mo ikaw ang magulo, maayus naman dito at kanina ang sabe mo hindi ka ordinaryo. Anu ka immortal? Mutant? May powers, telekenisis, x-man ganun ka ba!?" Ang bilis ni Edriana magsalita at salamat na lamang si Kaden na iintindihan niya ito. "Wag mong sabihin na vampire ka o werewolf."
"Mas matindi pa doon, wag kanang maraming sinasabe basta ibalik muna ang palaso ko."
May isang bagay naman ang pumasok sa isipan ni Edriana at napa ngisi. "Sige nga sabihin mo sa akin kong anu ka at ibibigay lo sayu toh."
Na iinis na ang binata sa ang daming pasikot sikot ni Edriana. "Anu ba?" Ngunit tuwang tuwa ang dalaga sa pagiging pikon ng binata. "Ito lang ang sasabihin ko sayu, marami kami sa lugar na ito pero nahahati sa dalawang bangkat, isang mabuti at masama. Wala kayung alam sa amin dahil kulang ang kaalaman ninyu at kong anu-anu ang pinaniniwalaan ninyu. Ito lang ang dapat mong malaman, hindi sila basta nakaka tingin sa mga mata ng mortal dahil makikita ang tunay naming katauhan sa mga mata namin. Nagbabago sa tatlong kulay ang mata at hindi kayu baliktad sa paningin namin katulad ng sinasabe ng mga nakaka tanda sa inyu."
Unti-unti naglaho ang ngiti ni Edriana may isang ideya ang pumasok sa isipan niya ng marinig niya ang mga sinabe ng binata, alam na niyang narinug na rin niya yun sa mga katulong sa mansyon nila na pinag uusapan ang bagay na yun at lalo na ang mga galing sa probinsya ngunit hindi niya maalala kong anung ibig sabihin nun. Hindi makapag salita si Edriana at nagpatuloy lang sa pagsasalita si Kaden.
"Hindi nila gustong may mortal na nakaka alam sa sikreto nila habang nagtatago sila sa mundo ninyu at pag nangyare yun papatayin ka nila." Aniya ni Kaden at naglakad na palayu sa dalaga. Naka tayu lang si Edriana doon at pinag masdan ang binata hanggang sa mawala na ito. Bumalik siya sa campus nila na ang daming iniisip at hindi na siya naka pasok sa ilan pang klase niya. Lunch break na rin at habang naglakad siya sa pasilyo. Isa-isa niyang pinag mamasdan ang mga ka schoolmate at ang mga mata nito. Gusto niyang subukan kong totoo ba ang sinasabe ni Kaden. Ngunit ni isa wala siyang nakita at hanggang sa isang babae ang naka salubong niya.
Naka yuko ito ngunit ng oras na nagtama ang mata nila doon niya nakita ang mga mata nitong mabilis na nagbago ng tatlong kulay. Napa hinto si Edriana sa kalagitnaan ng paglalakad at natulala. Nag isip siya kong guni-guni ba ang nakita niya dahil may gusto lang siyang patunayan o sadyang tama lang ang nakita niya. Agad siyang sinulyapan ang dalagang naka salubong ngunit bigla itong nawala lalo na't marami ng estudyante sa pasilyo. Bumalik siya at sinundan ang dalagang naka salubong. Nakita din siya ng mga kaibigan at tinawag ngunit nilagpasan lamang niya ang mga ito dahil kailangan niyang makita yung naka salubong niya.
Hanggang sa makita niya ito at hindi alinta kong anu bang pwedeng mangyare sa kanya. Naghahalo ang kaba at kakaibang excitement ang bumabalot sa kanyang katawan ng mga oras na yun. Hanggang sa pumasok sa isang abandonadong silid ang dalaga. Nagsara ang pinto at huminto na muna sandali si Edriana sa labas. "Ito na yun, kong may mangyare man masama makikita naman nila ako agad, hindi naman siguro siya halimaw para kainin ako."
Dahan-dahan binuksan ni Edriana ang pinto ngunit nung oras na buksan niya ang pinto, ang paghawak ng isang malamig na kamay sa kanyang braso at hinatak siya papasok. Iisang ilaw lang ang gumagana kaya may parte na madilim sa dating classroom. Tinulak siya sa kumpulan ng mga sirang upuan kaya bahagyang napa singhal si Edriana nang unang bumagsak ang kanyang puwet sa sahig. Napaka lakas ang pagkakatulak sa kanya kaya hindi pa siya basta naka tayu.
Lumapit ang dalaga sa kanya at doon niya nakita ang pagbabagong anyo ng mukha nito. Mula sa maamong mukha ay bigla itong nangitim at naging halimaw na hindi niya maipaliwanag. Gustong sumigaw ni Edriana ngunit animoy nanuyot ang lalamunan niya. Gusto niyang umalis at pag sisihan ang pagpasok doon ngunit hindi niya magawa. Hindi na siya naka reak pa lalo nang hilahin siya patayu at handa na siyang kainin dahil sa paglabas ng mga pangil nitong mahahaba na handang tumarak sa kanyang katawan.
Doon lamang natauhan si Edriana at sinipa ang dalaga para maka layu sa kanya. Nagmadaling tumakbo si Edriana ng hatakin muli siya ngunit sa pamamagitan ng buhok kaya animoy matatangal na ang lahat ng buhok niya sa anit. Tinulak na naman siya sa isang pader at pasalamat siya hindi na siya natumba. Agad siyang humarap at nagmadaling kinuha ang bag niya sa likod. Wala siyang alam kong paanu lalaban ngunit kinuha niya ang palaso ni Kaden at nang lumapit na ang halimaw sa kanya.
Pikit na pikit si Edriana at pagdilat niya unti-unti nang nagiging abo ang katawan ng halimaw. Napa sulyap siya sa palasong hawak-hawak niya, diretsong naka tarak sa sikmura nito at tagos hanggang sa likod. Hingal na hingal ang dalaga at animoy dumi na lamang sa lapag ang abo na yun. Lumabas siya sa silid na yun na animoy walang nangyare. Napa sulyap siya sa palasong hawak niya at agad na tinagosa kanyang bag. Tapos na rin ang lunch break at hindi na siya naka kain pa. Pero para sa kanya ayus na hindi kumain dahil pakiramdam niya iikot ang sikmura niya pag naalala ang nakakadiring itsura ng halimaw na naka laban.
Dumiretso na lamang siya sa kanyang klase na hindi paren mawala sa kanya ang nangyare, hanggang sa matapos ang buong araw na yun na halos hindi na mawala sa kanya ang nalaman at ang nangyare sa kanya. "Ed," napa sulyap siya ng makitang katabi na ang barkada niya. Isa-isa niyang kinatitigan ang mga mata nito ngunit wala naman siyang nakitang kakaiba.
"Buti naman at wala akong kaibigan na halimaw."
"What did you mean?"
"Huh?"
"Anu daw?" Sabay-sabay na tanung ng mga kaibigan niya.
Napa iling ang dalaga at halata sa pamumutla ng mukha na hindi siya ayus. Iniisip din niya kong tama bang sabihin niya ang nalalaman ngunit tumahimik na lamang siya at baka sabihan na nababaliw lang siya ng mga kaibigan. "Alam mo Ed ang weird mo, hindi kana sumabay sa amin ngayung lunch tapos ngayun ka lang pumasok na half day."
Hindi nagsalita si Edriana, "may sakit ka ba? At saka kagabe ang bilis mong nawala?" Pagtataka ni Gaile na isa pa niya sa kaibigan.
"Baka naman kulang siya sa party, sama ka uli kila Ian naman." Aniya naman ni Cyrel.
"Hindi na muna," saad ni Edriana
"Wow bago toh pero wag kang mag alala sa saturday pa naman yun eh," sabe muli ni Cyrel.
"Ganun ba, sige aalis na ako. Mag ingat kayu sa pag uwi." Tumalikod na si Edriana at takang taka paren ang mga kaibigan niya lalo na ang nag iisang lalaki sa grupo nila si Paolo.