DEATH 102 ISANG kasiyahan ang nagaganap ngayon sa labas ng White Guild kong saan nagtapos ang mga bagong White member at magiging sundalo ng angkan na yon. Inuman dito at doon, kasiyahan, tawanan, kainan at sayawan. Ang lahat ay nakasuot ng itim na pandong habang may puting linen sa magkabilang gilid nito sa harapan at ang paladanaan na isa na silang White ay ang kalasag. Dalawang taon ang nakalipas nang maging tahimik ang buong Illustra, sa makalipas na dalawang taon may mga angkan din na galing sa dalawa pang lugar para sa mga Immortal ang bumisita, hindi sila kalaban, kong di mga kaibigan na gustong malaman na sila'y nabubuhay sa ibang mundo katulad din ng nga Illustra. Ang dalawang bagong mundo na katulad ng Illustra ay ang Glecytia at Epgrasse. Kabilang ang pitong angkan na Thompso