Awaken 9

1377 Words
AWAKEN 9 HINDI maiwasang sulyapan ni Camille ang mga kagamitin, pader at mga painting sa mga nadadaanan nila hanggang sa makarating sila sa black room at hindi rin niya maiwasang hindi mamahanga. Hindi bastang simpleng mansyon ang nakikita niya, para sa kanya isa na itong palasyo, napakaganda, ang linis at ngayun lamang siya naka pasok sa ganung uri ng bahay. Nasa pinag mamasdan din niya ang mag asawa, ang dalawang kapatid ni Eulexis na kahit na puros kulay itim, gray at puti ang makikita sa kanilang damit ngunit magaganda naman ang uri ng telang gamit sa mga suot nitong damit. Ang luwag ng black room at napaka tahimik nila, ni wala din siyang nakikitang bintana. "Paanu naka pasok ang babaeng yan dito?" Napa sulyap siya sa matandang lalaki na sa tingin niya ay ama ng tatlong lalaki. Kukuhang ng tatlong binata ang kagwapuhan ng ama nila kahit na bahagya na itong matanda. Nag iiba din ang kulay nito katulad ng nakita niya kanina sa tatlong binata nang pagbuksan siya nito. Walang sumasagot, naka yuko naman si Sid, si Eulexis at tanging si Kaden lang ang kalmado. Iniisip din ni Camille kong paanu humarang si Eulexis nang matatamaan na siya ng sirang pinto. 'Ibig sabihin nun hindi talaga sila ordinaryo,' sa isip-isip ng dalaga sa mga ka harap niya. "Anu ba mga anak, mag salita naman kayu para kahit papaanu may solusyon tayung gawin." Aniya naman ni Eunice. "Ako po ang may kasalanan," saka naman kiniwento ni Eulexis ang lahat sa kanyang ina at ama. Nang laki ang mata ni Camille nang makitang nasa harap na ni Eulexis ang ama nito at bigla na lamamg binigyan ng mabilis na sapak. Natumba naman si Eulexis sa sahig at agad na magitan si Eunice. "Anu ba?" Saway ni Eunice sa kay Dylan. Naka salampak lang si Eulexis sahig at hinayaan lang na mag dugo ang gilid ng labi niya. "Anung nang gagawin mo? Kaya mo ba siyang ilabas dito samantalang sarado na ang lagusan sa buong Illustra!" Humarap naman si Dylan sa kambal niyang anak, "kayu! Alam ninyu ito pero hindi ninyu agad sinabe sa akin!" "Pa, hindi naman---" "Tumahimik ka Sidney hindi kita tinatanung!" "Hindi naman natin kailangan mag away-away," aniya ni Eunice, "mas maganda siguro kong dito na nga muna siya. Hindi naman natin siya pwedeng pabayaan, delikado sa dalagang yan." Humarap naman si Eunice kay Camille, "anu bang pangalan mo iha?" Hindi muna sumagot si Camille at napa kagat siya sa ibabang bahagi ng labi. Hindi niya maintindihan at iniisip niyang nasa mahabang panaginip lamang siya. "Camille," tipid niyang sagot. Huminga na muna ng malalim si Eunice, "ok Camille, alam kong natatakot ka dahil sa mga nangyayare pero hindi rin namin ito inaasahan. Ang na isip ko ay kailangan mo pang mag tagal para mahupa ang pag iisip ng iba na kong may mortal nga naka pasok sa lugar namin. Pag nangyare yun bubuksan nila ang lagusan para maka labas ka, pero sa ngayun kailangan mo munang magtago dito. Hindi mo kailangan matakot sa amin, iba kami sa iisipin mo o yung nasa isip mo ngayun." "Pero paanu ang pamilya ko? Kailangan nila ako, paanu kong matagalan bago ako maka balik? Baka isipin nila namatay na ako," pag aalala ni Camille. "Magiging ayus naman ang lahat, basta dito kana muna. Babantayan ka na muna namin, saka namin ilalabas sa lugar na ito ng ligtas." Pakiramdam ni Camille mas magandang kausap ang babaeng nasa harapan niya kase sa apat lalaking nasa harapan din niya ngayun. Naging magaan naman ang pakiramdam niya ng kaunti dahil din sa malumanay na pagpapaliwanag nito. "Salamat po." "Walang anuman, Camille. Bibigyan ka namin ng matutulugan, ng damit at pagkaing kailangan mo habang na andito ka." "Pero paanu kong malaman nila na andito ang babaeng yan?" Tanung naman ni Dylan sa kanyang asawa. "Mangingibabaw yung amoy natin kesa sa kanya dahil nag iisa lang siya dito. Pero tayu muna ang dapat maka alam nito, saka natin ipapaliwanag sa lahat ng taong na andito na si Camille ang mortal na hinahanap ng Swiss."   NASA tapat ng maganda at malaking salamin si Camille, pagkatapos ng pag uusap na yun ay agad naman siyang binigyan ng sariling kwarto. Simple ngunit napaka laki, may higaan, sariling banyo at may mga kabinet ngunit wala namang laman. Pero binigyan ng iilang pares ng damit at ilang pares ng sapatos na galing sa anak nitong babae ngunit hindi pa niya ito nakikita. Nang matapos niyang maligo ay agad niyang sinuot ang pina hiram sa kanyang damit, isang itim na skater skirt, tuxedo blouse na kulay puti, na may ribbong na manipis na kinulayan ng itim sa ibaba ng collar ng damit at isang pares ng ballet doll shoe na desinyo ding ribbon. Ngayun pa lamang siya nakapag suot ng ganung kagandang damit, noon simpleng pants at blouse lang ang kaya niyang suotin galing sa mumurahing tindahan. Mas kailangan niyang kaseng unahin ang pangangailangan ng pamilya niya kesasa kailangan niyang materyalis. Sinuklayan muna niya ang tuyong buhok bago tuluyang lumabas ng banyo na saktong may kumatok sa pinto ng mismong silid na yun. "Pasok," nakita naman niyang pumasok si Eulexis na may dalang tray puno ng magiging pagkain niya. "Bakit ka na andito?" Hindi paren niya maiwasang tanggalin ang inis sa binatang ka harap niya. "Ihahatid ko lang yung pagkain na ginawa ni tito Kenneth sabe ni mama ito raw yung mga kinakain ng mortal na katulad mo." "Ayoko niya, lumabas ka nga. Gusto kong makapag isa, ayokong kumain at lalong ayaw kitang makita!" Sa takot na baka magwala na naman si Camille ay agad na lumabas si Eulexis sa silid. Takang taka naman si Sid na hinihintay ang kapatid sa labas, "oh anu nang nangyare, bakit dala mo paren yan?" "Pina labas niya ako, ayaw daw niya akong makita. Ikaw na lang kaya mag bigay sa kanya." Lumayo naman si Sid sa kanyang kapatid at halata sa gulat na mukha nito na hindi niya gusto ang ideyang siya na lamang ang maghahatid. "Ayoko nga, ikaw na. Sayu yan inutos ni mama." "Dali na kase! Ikaw na lang muna, hindi naman galit sayu yun." "Ayoko nga sabe! Bahala ka dyan!" Bigla naman inagaw ni Kaden ang tray na hawak ni Eulexis, "ako na lang," at agad itong pumasok sa loob. "Anu b---" natigilan si Camille nang akala niyang si Eulexis ang pumasok ngunit iba palang tao. "Sinu ka naman?" "Ako si Kaden, kapatid ni Eulexis." Saka nilapag ang tray sa lamesang malapit sa dalaga nang ito'y tuluyang naka lapit. Gutom na gutom na ang dalaga ngunit pinipilit niyang wag tanggapin ang pagkain na ibibigay sa kanya. Tama na pina tira siya doon ng panandalian, kahit papaanu na hihiya siyang tumira sa bahay na yun at lalo na ang tumanggap ng pagkain. "Hindi ako gutom, ibalik ninyu na lang yan." "Sinungaling ka." Agad na napa sulyap si Camille sa binatang naka tayu sa kanyang harapan, "kainin muna yan." "A---ayoko nga sabe," bigla din siyang na hiya sa presensya ng binata. Ibang iba ito sa tindig at kong paanung mag salita si Kaden kesa kay Eulexis. Sa tingin niya mas panganay pa si Kaden kesa kay Eulexis, ngayun alam na niyang iisang pamilya nasa mansyon na yun at magkakapatid ang tatlong nakita niya kanina lang. "Gusto mo bang mamatay?" "Anu?" "Ang tanung ko kong gusto munang mamatay? Kase kong 'oo' ayus lang na wag kana kumain, pero paulit ulit mong sinasabe sa amin na kailangan ka ng pamilya mo. Paanu ka makaka balik ng buhay sa inyu, kong mamamatay kana lang dito dahil aa gutom?" "Pero---" "Alam kong na iinis ka sa kapatid kong si Eulexis pero wag mong isipin na ikaw lang ang na iipit dito. Sa totoo lang maliban sa inyung dalawa, ang buong angkan namin damay pag nalamang nasa amin ka. Alam kong may pag ka tanga at bobo ang kapatid ko minsan. Pero mas kawawa siya dito, siya ang sasalo ng lahat ng kasalanan ng barkada niya. Intindihan mo ang lahat, katulad ng pag intindi sayu ng magulang namin." Saka naman lumabas si Kaden sa silid na yun na naka tulala at nag iisip ang dalaga sa mga sinabe ng binata sa kanya. Muli siyang napa tingin sa mga masasarap na pagkaing nasa harap niya at sinubukang kumain kahit papaanu.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD