BLOOD 70 TAHIMIK sa buong silid habang hinihintay na matapos ni Sid sa pagbabasa ng puting baraha si Victoria sa silid kong saan madalas gumawa ng orasyon ang dalaga, puros kandila na may sindi ang gamit nilang ilaw, ang baraha na yun ay wala namang naka sulat ngunit ang dalaga lamang nakaka basa ng barahang nasa harapan nila, isang bagay na hindi pa natutunan ng binatang si Sid. Pinapangako naman ni Sid na bago pa man siya magtapos sa Guild at bago maging Swiss, malalaman din niya ang bagay na yun. Minabuti niyang basagin ang katahimikan, "magiging ayus ba ang lahat?" "Hindi, dati nang hindi magiging ayus ang lahat. Hangga't nabubuhay ang sunod na mamumuno sa Grace, hindi paren matatapos na mabawi nila ang dati nilang katayuan sa bawat angkan." Matagal nang alam ni Victoria na mangya