Blood 44

1023 Words
BLOOD 44 ISINANGTABI na lamang ni Edriana ang nangyare sa pasilyo ngunit hindi mawala ang pag iisip niya tungkol sa KO na yun ay kong anung ibig sabihin ng dalawang letra. Nasa klase siya ngayun at tahimik na nagsusulat ng kanilang seatwork ng bigla siyang sanggiin ng katabing si Cyrel. Ang isa sa mga kaibigan niyang babae, kong si Edriana ay mahilig na mapansin ng mga taong naka paligid sa kanya ibahin at siya namang pagkakaiba ni Cyrel. Nagkakasundo naman sila at tanging sa kanilang magbabarkada lamang nila pinapakita ang tunay nilang ugali kesa sa ibang tao. May inabot si Cyrel sa kanyang upuan na naka lukot na piraso ng papel at Edriana mouthed, 'anu toh?' Sa kanyang kaibigan na may ilang kaunting layu lamang sa kanya. "Basahin mo," bulong ni Cyrel na tama lang para marinig ni Edriana. Binuksan naman ni Edriana ang papel at saka binasa ang naka sulat doon. 'Party at Kat's house, later. After class.' Nang matapos ni Edriana ang sulat sa kanyang isipan agad siyang napa sulyap sa kaibigan. "Talaga lang huh?" Habang naka ngisi si Edriana at tumango na lamang si Cyrel. Natapos ang buong klase nagmag babarkada na dumiretso sila isa-isa at dala ang mga kotse nila sa bahay ng kanilang sa schoolmate. Para sa kanila wala dapat pinapa lampas na party lalo na't dito lang nakakalimutan ni Edriana ang pagkalungkot sa mga magulang na wala sa bahay. Lalo nang nawala sa kanyang isipan ang tungkol sa arrow na nakuha niya at nagpakasaya sa party na yun. Inum dito, inum doon ang nangyare, saya dito, sayaw doon, kain dito at doon ng mga hindi masustansyang pagkain kasama ang barkada. Wala siyang pake alam kong magkakaroon pa siya ng hangover lalo na't sanay naman siya doon. Wala na silang pake alam kong anung oras sila matatapos doon at wala silang pake alam kong hanapin man sila ng mga magulang nila. Lingid sa kaalaman ni Edriana habang nag sasaya sa kanya may pares ng mata ang nagbabantay sa kanyang kilos.   MULA sa di kalayuan kong saan nakikipag kwentuhan at nakikipag inuman ang dalaga, naka upo sa sa harap ng mini bar si Kaden. Naka sukbit sa kanyang likod ang palagi niyang dalang sandata ang pana at palaso. Kailangan din niyang magpanggap na estudyante sa eskweluhan ng dalaga dahil kailangan niyang mabawi ang espesyal niyang arrow na gawa pa sa tanso at pilak. May dahilan siya kaya kailangan niyang mabawi sa dalaga ang bagay na yun, lalo na't nag umpisa ang una nilang pagkikita sa hindi gaanung ka gandang paraan. Lalo na't nasilipan siya nitong naliligo sa ilog noong isang araw. Naalala pa niya yung araw na pinag bantaan niya ang dalaga na wag na bumalik sa gubat dahil hindi ligtas sa lugar na yun. Makalipas ng anim na buwan pagkatapos magpakasal nila Camille at Eulexis, nalaman nilang may mga dating taga Grace at Prix na gumagawa ng hindi maganda sa mundo ng mga tao. Bumabalik ang mga tumiwalag na angkan sa kanilang gawain at pagpaslang sa mga mortal para gawing pagkain. Isa siya sa mga nagbabantay sa labas ng lagusan ng Illustra para tignan ang mga immortal na katulad nila at lalo na't maraming tumiwalag ang nagbabantay din sa lagusan. *** Nagbabantay si Kaden noong gabeng yun ng may makita siyang tatlong immortal na alam niyang gumagawa ng hindi maganda sa labas ng Illustra. Laking gulat din niya na naglalakad sa gabe at ganung oras ang dalagang nanilip sa kanya. Agad niyang binaba ang pana niya at inis na inis na bumulong. "Anung ginagawa niya dito?" Lalo siyang nagulat nang mapa apak ang dalaga sa ginawa niyang patibong sa tatlong nakita niya. Pasalamat na lamang niya at hindi pa naamoy ang dalaga. Nakikita niyang gusto nang maka wala ang dalaga, nag bigay lang ng atensyun sa tatlo ang pagsigaw at paghingi ng tulong ng dalaga. Papalapit na ang mga ito sa dalaga ng tahimik na pina tamaan sa mismong mga noo nito. Agad na naging abo at sumabag ang mga abong yun sa hangin. Namatay na ang tatlo ngunit hinintay ng binata na maka tulog ang dalaga hanggang sa maka tulog nga ito habang naka lambitin. Binaba naman niya ito ng maingat at hiniga sa lupa. Nag iisip siya kong babantayan niya ito o kaya'y ibalik na lang kong saan ang tatay nito. Pinag masdan na muna niya ang maamong mukha ng dalaga habang natutulog hanggang sa tabihan niya ito sa lupa. Habang siya'y naka upo at ang dalaga naman ay naka higa. Binantayan niya ito hanggang umaga hanggang sa magising. Pinili niyang takutin si Edriana kesa makipag kaibigan, ayaw niyang maging malapit muli sa isa sa mga mortal na makikilala niya. *** Napa sulyap muli si Kaden kay Edriana na biglang nawala sa kanyang paningin. Maliban sa kanya na immortal may na aamoy pa siyang ibang immortal. Mas marami kesa sa kanya at alam niyang mapapa laban siya sa gabeng yun. Nang makita ng mga mata niya papalabas ang dalaga ay agad siyang sumunod. Pagewang gewang na naglalakad si Edriana pa tungo sa parking lot at pa simpleng sinundan ni Kaden. Matatalisod na si Edriana nang agad na lumapit si Kaden sa dalaga para masalo. Nang lalabo ng kaunti si Edriana hanggang sa maaninag ng maayus ang mukha ni Kaden. "Hoy---hik---yung gwapong weirdo---hik," ngising ngisi sabe ni Edriana habang hawak-hawak ni Kaden paren ang braso nito. "Anu bang nangyare sayu?" Tumayo ng maayus si Edriana at niyakap si Kaden dahil wala na sa wisyo ang dalaga. Agad na kumalas si Kaden at hinawakan ang magkabilang balikat ng dalaga. "Lasing kana pero inum ka paren ng inum." "Huh? Hik---hi-hik---hindi ako lashing! Shinung nagshabeng lashing ako? Ikaw? Ikaw ba?" Napa ngiwi ang binata dahil sa dalaga. Agad na kinarga ni Kaden sa kanyang balikat ang lasing na dalaga, naka harap ang paa sa harap si Kaden at nasa likod naman ang mukha ni Edriana. "Wee! Free ride!" Patungo na sana si Kaden sa kotse ng dalaga ng makita ang limang lalaking na biglang humarang sa kanya. Sa mga mata palang nito makikita na ng binata na hindi ito ordinaryong nilalang o mas madaling sabihin na immortal na katulad niya. 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD