Awaken 6

1797 Words
AWAKEN 6 PAGKATAPOS ng hapunan na yun ay agad naman siyang bumalik sa kanyang silid. Ni hindi na siya sinirmunan ng ina at ang kanyang ama sa tagal ng kanyang pag uwi sa mansyon. Hindi na nawala ang balitang narinig niya bago mag hapunan at hindi na muna niya pinansin ang dalawang kapatid na nakaka alam sa tinatago niya. Nang maka balik din siya sa kanyang silid ay agad niyang tinignan ang dalaga kong gising na ito ngunit wala pareng malay. "Buhay pa ba siya?" Bulong niya sa kanyang sarili at saka muling sinara ang pinto. Sinalampak na lamang ang sarili sa kanyang kama at hinayaan na makapag pahinga ang katawan sa pagod. Ang dami niyang iniisip, kong sinabe na ba ng mga kaibigan niya ang ginawa nila, paanu niya mailalabas ang dalaga sa Illustra at kong mapaparusahan nga siya. Sa loob ng mahabang panahon wala pang napaparusahan dahil wala pang kahit na sinung lumabag sa batas, maliban sa kanya at sa mga barkada niya. Higit sa lahat pinapasok pa niya ito sa kanilang mansyon. Sa apat na oras na kakaisip sa mga solusyun na pwede niyang gawin sa problema niya, hinayaan na lamang niyang dalawin siya ng antok.   UMAGA na ng pumasok si Eunice sa kwarto ng anak niyang si Eulexis para gisingin. Napa buntong hininga na lamang siya ng makitang naka laylay ang paa sa sahig at hindi pa naka bihis ng pang tulog. Lumapit siya sa anak para gisingin dahil may mahalaga itong bisitang darating. Ngunit araw-araw naman niya ito ginagawa, sa lahat na anak niya si Eulexis ang kailangan pang gisingin dahil tanghali na itong magising. Kaya napa iling na lang siya sa tangkad nito at mas matangkad pa sa ama nito. Naka awang pa ang labi ni Eulexis habang natutulog na katulad na katulad kay Dylan. Hinawakan ni Eunice ang mukha ng binata, "anak gumising kana. Eulexis," sabay sampal-sampal pa nito ng mahina para lamang magising. Bahagyang napa dilat ang mata ng binata at inaaninag kong sinu ang pumasok sa silid niya. "Mama?" Saka muling pinikit ang mata. "Gumising kana, may bisitang darating mga Prix Clan kasama yung anak nila." Hindi naman naiitindihan ng binata ang sinasabe ng ina niya. "Ma?" "Anu?" Laking laki ang mata ni Eulexis nang makitang nasa kwarto niya ang kanyang ina at napa balikwas ng bangon. Bahagya namang lumayo ang ina niya sa kanya at nagulat din sa inasta niya. "Mama, anung ginagawa mo sa kwarto ko?" Pasimple siyang sumulyap sa pinto ng silid kong na saan si Camille at doon naramdaman naman niya ang kakaibang kaba na baka malaman na ng ina niya ang tinatago niyang sikreto. "Eh diba, palagi ko naman itong ginagawa? Anu bang nagyayare sayu at nagiging magugulatin kana?" Tumawa naman ng peke ang binata para maitago ang kaba, "wala ma nagulat lang ako baka kase---" "Pagalitan na naman kita? Hindi pa talaga tayu tapos Eulexis, pagkatapos ng pag uusap natin sa mga bisita tayung dalawa naman ang mag uusap kahit na hindi mangingialam ang papa mo dito." "Sabe ko nga po," saka ngitian ang ina niya. "Dalian muna dyan, doon ko dumeretso sa black room at doon tayu mag aalmusal kasabay ang mga bisita." "Opo, maliligo na ako at susunod na ako." "Dalian muna," huling habilin ni Eunice bago ito tuluyang lumabas ng silid nang binata. Agad na tumayo si Eulexis at sinara ang kanyang pinto. Lumapit siya sa silid kong na saan si Camille at binuksan ito. Takang taka siya at kinakabahan na hindi paren ito nagigising hanggang ngayun. "Patay ka na ba?" Tanung nito kahit na alam niyang hindi naman ito sasagot sa kanya. Muli niyang sinara ang pinto ng silid at naligo agad. Nang maka labas siya ng silid ay agad niyang naka salubong ang kapatid na si Sidney. "Sidney, magandang---" "Alam ko na yan kuya," lumapit naman si Sid sa kanyang kuya, "gising na ba siya?" "Hindi pa nga eh." "Hindi kaya patay na yung babae?" "Ewan ko pero nahinga pa siya." Napa kamot si Eulexis sa kanyang batok na madalas niyang gawin pag kinakabahan, mahahalata sa kanya na may tinatago siyang ibang bagay pag ginagawa niya yun. "Anu ba talagang nangyare?" "Mahabang kwento, pero ikwento ko siya pagkatapos ng pag uusap sa black room.  Basta bantayan mo muna yung kwarto ko at si Caroline pag nagising." Hindi na niya hinintay pang sumagot ang kapatid na baka tumangi ba ito sa iuutos niya. Nagmadali siyang lumipat sa kabilang palapag, dahil malaki ang mansyon, meron itong dalawang palapag ngunit napaka lawak at laking mansyon. Mula sa unang pinto at pag pasok sa bahay makikita ang malaking hagdan na hahati sa dalawa na nagkokonekta sa magkabilang palapag, sa kanan at kaliwa. Marami ding silid at tagong silid ang mansyon na iyon. May mga naglalakihang larawan at iba't ibang antigong kagamitan na makikita. Puno din ng mga sariwang asul na tulip ang bawat vase na madadaanan sa bahay dahil ito ang paborito ng ina niyang si Eunice. Meron silang hindi mabilang na tagapag bantay sa labas, loob ng mansyon, sampung katulong na taga linis ng mansyon at limang taga luto sa kusina. Nang maka lipat siya sa kabilang palapag ay agad siyang kumanan, madadaanan niya ang dalawang silid nila Lexi at Tina. Nang makalagpas siya doon at bigla naman siyang kumaliwa ng pasilyo. Walang mga pinto doon ngunit may kinapa siyang pader na alam niyang pinto sa black room. Ang nasabeng silid ay hindi literal na itim dahil isa ito sa mga sikretong silid na iilan lang ang nakakapasok at kong may importanteng pag uusapan lang. May pala tandaan sa labad ng black room na yun na ang pinto dahil may kulay lilac na vase ang katabi nito. Nag palinga linga pa sa paligid si Eulexis bago tuluyang itulak ang pinto. Bumungad sa kanya ng kaseng laki ng sala ang silid na yun, may mga vase din may lamang bulaklak, maaliwalas sa loob, pula ang madalas na makikitang bagay sa loob, mula sa kurtina, sapin sa lamesa, unan sa sofa at sa mga balot sa upuan. Sa gitna ng silid may bilog na lamesang may walong upuang naka harap doon. May naka upong mag asawa sa dalawang upuan, katabi ang anak nitong babae, ang mama at papa niya. Siya na lamang ang hinihintay. Nag kakape at nagtatawanan ang mga ito nang matadnan niya. Napa hinto at napa sulyap sa kanyang pag tingin lalo na ang dalaga. "Andyan na pala ang panganay namin," pagmamalaki ni Dylan sa anak. Nag bigay galang naman si Eulexis sa pamamagitan ng pag bati ng magandang umaga sa mga bisita at saka siya tumabi sa kanyang ina. May naka handang kape, halo-halong gulay at hilaw na karne ng hayop. Kilala na niya ang mga kaharap niya ngayun na ilang ulit na niyang naka harap at alam na niyang ang pag uusapan nila. Kong paanu nila papatibayin ang bawat isang angkan sa pamamagitan ng pagpapakasal. Lider ng Prix ang mag asawang ka harap nila, ang Prix ang somisimbolo sa katapangan ng isang mangangaso sa gubat. Ang dalagang ka harap naman nila ay si Madison ang magmana ng Prix at dahil nasa guild pa ito ay gusto na niyang pumili ng angkan na lilipatan niya. Dahil sa guild papayagan ang bawat mag aaral na pag naka tapos ito ay hahayaan nilang pumili ang bawat isa kong lilipat ba ito o hindi. May ilang lumipat sa ibang angkan at ang iba naman ay nanatili sa dati nilang angkan. Sa kaso ni Madison gusto niyang lumipat sa Otis, dahil isa siyang tagapag mana at may dugong maharlika kailangan niyang ikasal sa magiging tagapag mana sa susunod na tagapag mana ng isang angkan. Pilit na nagpapapansin si Madison sa binata sa pamamagitan ng simple nitong pag titig ngunit kahit ilang beses pa itong gawin ay hindi naman siya mapapansin ng binata. Malayu din ang isip ni Eulexis bumalik lang sa realidad ang pag iisip niya nang tawagin ang pangalan niya, hindi niya namalayan na nag uumpisa na pala ang pag uusapa. "Eulexis?" "Po?" Napa sulyap naman siya sa kanyang ina. Bahagyang lumapit si Eunice sa anak niya, "anu bang nangyayare sayu?" Bulong nito at saka lumayo. "Ayus lang ako mama." "Parang wala sa pag uusap natin ang binata," pagpansin ni Mr. Prix kay Eulexis. "Patawarin ninyu po ako." "Baka may hindi magandang nararamdaman si Mr. Otis," napa sulyap naman si Eulexis sa dalaga. Meron itong mahaba at magandang buhok na blonde ang kulay. May maamo itong mukha at mahahabang pilik-mata. "Mukhang hindi nga ayus ang anak naming si Eulexis," saad ni Eunice. Sa loob ng mahabang panahon maraming nag bago, nag karoon ng batas sa pagitan ng lahat lalo na ng maitayu ang bago nilang mundong tinatawag na Illustra. Ayaw man ng mag asawang Dylan at Eunice ang patakaran kahit na gusto nilang ang anak nila ang pumili ng babaeng mapapakasalan nito ngunit wala silang magagawa. Nagawa na ang batas at kailangan nila itong sundin lalo na't sila ang angkan na nangunguna sa lahat. Sa kaso din nila kong talagang gustong maikasal ang dalawa ay kailangan mag karoon ng sampung pag uusap sa pagitan ng mga magulang nang ikakasal. Ngunit nagkakaroon pa lamang sila ng tatlong pag uusap tungkol doon. "Eulexis mas maganda kong kami na lang ang mag uusap at ipasyal muna lamang si Madison sa hardin," aniya ni Dylan. "Tama para naman mag karoon kayu ng oras," saad naman ni Mrs. Prix. Hindi naman tumanggi ang binata at para sa kanya mas maganda nga ang bagay na yun. Tuluyan na nga lumabas ang dalawa ng tahimik. Sabay silang nag lalakad sa pasilyo nang magulat si Eulexis sa paghawak sa kanyang braso ang dalaga ngunit hindi naman niya ito pina alis. "Napaka tahimik mo," komento ni Madison sa binata. "Sorry hindi naman talaga ako ganito, may iniisip lang ako." "Anu bang iniisip mo, pwede mo bang ikwento?" "Naku wag na akin na lang yun, saan mo ba gustong magpunta maliban sa hardin?" "Sa kwarto muna lang," natigilan si Eulexis at biglang naala ang dalagang mortal sa kanyang kwarto. "Bakit naman doon?" Tanung niya habang pinag mamasdan ang maamong mukha ni Madison. "Gusto ko lang makita ang silid ng isang lalaki," maamong wika ni Madison, "pwede ba tayung magpunta doon?" "Naku hindi pwede," mabilis na sagot ni Eulexis na pinag taka naman ni Madison. Agad na nag isip ng dahilan ang binata, "kase magulo hindi ko pa naayus at nakaka hiya. Siguro sa susunod na lang." Ngumiti naman si Madison sa binata, "sige," nagpatuloy muli sila sa paglalakad at hindi niya matanaw ang silid niyang sarado nang mapa daan sila doon. Tahimik na tahimik, iniisip niyang tulog paren ang dalagang mortal hanggang sa maka labas na sila ng mansyon na hindi paren mawala ang pag aalala niya sa kanyang problema kaya habang nag uusap sila ni Madison, iba ang na isasagot niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD