DEATH 126 PAGKATAPOS ng pag-uusap nila Lexi at Rovic na hindi na ito na sundan pa, apat na araw na ang nakalipas ng hindi na nagpakita pa si Lexi kay Rovic sa hindi alam na dahilan ng binata. Sa ngayon nasa harap siya ng maraming immortal pag-umabot sa kalahating oras ang munting salo-salo bigla na lamang siyang tatawagin para sekretong umalis kasama ang regina pauwing Anspiria. Inaasahan ni Rovic na tutuparin nito ang hiling niya, pagkatapos ng huli nilang pag-uusap, wala na siyang ginawa kong di ang pakinggan ang ilang payo at pangaral sa kanya ng lola. Ilang beses na rin siyang nakipag talo na ayaw niyang magpakasal kay Lady Amber ngunit lalo itong pinag tutulakan ni regina Jona. Wala siyang magawa kong di ang manahamik, kahit papaano lola niya ang kausap niya. Nakapag paalam naman