Blood 58

1439 Words
BLOOD 58 HINDI na nagsayang pa ng oras si Ian at agad na kinumpas ang kanang kamay paturo sa direksyon ni Kaden, senyas ito para atakihin ang binata. Patakbong nagbagong anyo ang limang unang sumugod at agad na pinana ni Kaden ang paparating sa kanya. Lahat ng matamaan ng palaso ni Kaden ay nagiging abo na lamang kasabay sa hangin. Sunod-sunod nang nag si lapitan ang mga kalaban kay Kaden, hanggang sa maubod ang kanyang palaso. Nagbagong anyo na din si Kaden katulad ng mga kalaban niya, yun ang unang pagkakataon niyang maging halimaw. Gulat na gulat si Edriana habang hawak siya ni Jill, hindi siya makapaniwalang magbabagong anyo si Kaden sa mismong harapan niya. Kitang kita niya kong paanu makipag laban si Kaden hanggang sa masunggaban ang binata ng isang kalaban, agad itong nagpagulong gulong pababa sa lupa. Gustong magpumiglas ni Edriana sa may hawak sa kanya ngunit hindi siya makawala. Ang nagawa na lamang niya ay isigaw niya ang pangalan ni Kaden, "Kadennnnn! Kadennnnn!" Sigaw siya ng sigaw wala siyang pake alam pa kong maubusan siya ng boses o maputulan siya ng litid sa leeg. "Jill, ipasok muna yang babaeng yan!" Utos ni Ian sa babaeng may hawak kay Edriana. "Bitawan mo ako, bitawan mo ako!" Pagmamatigas ni Edriana, ngunit hindi niya magawang makawala sa pagkakahawak sa kanya ng dalagang halos kaseng edad lamang niya ngunit di hamak na mas malakas sa kanya. Hinatak na siya ni Jill papasok ng bahay, halos magkadarapa si Edriana habang nagpupumiglas. Huli niyang nakita na pinag tutulungan na si Kaden ng tatlo nitong kalaban habang wala na ito sa anyong halimaw. "Kadeeen! Wagggg kang susukooooo!" Huli pa mawala sa paningin niya si Kaden, may iilang luha na rin ang tumutulo galing sa kanyang mga mata. Awang awa siya sa binata, ngayun lang niya na isip na kasalanan niya ang lahat kong bakit sila na andoon sa lugar na yun. Kong hindi siya nag isip na maghiganti hindi ito mangyayare sa kanila, ngayun niya tunay na intindihan na nasa huli ang pagsisisi. Ang lakas din ng t***k ng puso niya sa mga oras na yun, na halos lalagnatin siya sa kabang nararamdaman niya. Nang tuluyan na mabuksan ni Jill ang pinto agad na tinulak papasok doon si Edriana. Nagpagulong gulong naman si Edriana sa sahig at tumama ang kanyang pilay na paa sa kong saan na matigas na bagay kaya napa singhal siya sa sakit. Naglakad papalapit si Jill kay Edriana at hinatak ang kwelyo nito papatayu. Hindi halos maka ayus si Edriana habang hawak siya ni Jill sa kwelyo ng damit, wala na siyang lakas pa, parang sumuko na ang katawan niya kasabay ng kanyang sarili na ito na ang kanyang katapusan na handa na niya itong tanggapin. Mula naman sa labas nagpagulong gulong naman si Kaden sa lupa habang sira-sira na ang kanyang kasuotan sa pakikipag laban. May mga galos na siya sa katawan, dugo sa ulo at gilid ng bibig. Hindi na kayang pagalingin ng sarili niyang katawan ang mga sugat niyang natamo dahil sa pagod at panghihina. "Huminto kayung lahat!" Sigaw ni Ian habang nanonood. Nagsihinto ang lahat lalo na ang may hawak kay Kaden kanina. Lumapit naman si Ian kay Kaden, nagkatitigan sila. "Hindi pa toh tapos," halos pabulong na saad ni Kaden. Napa ngisi si Ian, "talaga lang huh? Ganyan na itsura mo at lahat kaya mo pa akong bantaan? Ganyan ba lahat ng Otis?" Naningkit ang mga mata ni Kaden, ngayun lang niya na pansin na kilala pala siya ng kalaban. "Gusto mo akong makilala, gusto mo bang makilala kong sinu ang ka harap mo?" Hindi sumagot si Kaden, hindi siya makapag salita. Kinuha niya ang pagkakataon na yun para makapag pahinga at maka kuha ng kakaunting lakas dahil ang puntirya niya sa una pa lang ay mahanap kong sinu ang lider ng buong aswang na kaharap niya ngayun. Tumayo si Ian ng maayu at nagpalaka lakad ng kaunti palayu kay Kaden. Humarap ito sa mga kasaping kakampi niya at pinag mamasdan ang mga mukha ng bawat isa. "Alam ko kong sinu ang hinahanap mo, Kaden? Kong sinu ang lider ng grupong ito, iisa lang naman Kaden. Nasa harap muna, walang iba kong di ako!" Humarap muli ito sa binatang si Kaden, "ako lang naman ang lider ng grupong ito, anu kaya mo akong patayin? Patayin muna kong kaya mo, dahil ako lang naman si Ian Jimeñez." Dahan-dahan bumakas sa mukha ng binata ang pagkagulat ng malaman niya ang apelyido ng kaharap niya, isa itong Jimeñez, apelyido ng ina niyang si Eunice noong dalaga pa at isa  din siyang Jimeñez. Ang daming tanung na gumugulo sa kanyang isipan, paanu naging kalaban ang isang kamag anak niya at alam niyang walang gagawin ang mga Jimeñez ng ganitong bagay ng kasamaan. Nag-aktong nag iisip si Ian, "mukhang walang alam si Kaden sa nangyayare lalong lalo na ang buong Illustra, pero buong buhay ko hindi ako tumira sa lugar na yun, alam ko lang dahil sa ina kong pabaya. Paanu ako na punta dito? Dahil din sa kanya kina hihiya niya ako, dahil isa akong Grace, ginamit lang niya ang apelyidong Jimeñez sa akin para mapagtakpan kong anu bang dugo meron ako." Lalong nag pagulo kay Kaden ang mga narinig niya, wala nga siyang alam, kahit na ang mga magulang niya sa kwento ni Ian. Pero lalong nagpagulo sa kanya ang sinabe nitong Grace. "Paanu nga ba nangyare ang lahat ng ito, na maging Grace at Jimeñez ay maging isa. Patagong nagmahalan ang dalawang taong yun, mortal na magkaaway ang pamilyang yon. Si Violet Jimeñez at si Prince Roy Grace ay tahimik na nagmamahalan. Alam ko lahat, nagsaliksik ako sa lahat ng nangyare sa dalawang pamilya. Walang nakaka alam na patago silang nag uusap, walang pake alam ang ama ko sa nangyayareng paghihiganti ng pamilya niya sa pamilya ng ina mo." "Hanggang sa magkaroon sila ng anak, namatay sa pakikipag laban si Prince Roy ngunit hindi niyang alam na may nabuo sa pagmamahalan nila ni Violet. Kaya alam ni Violet ang lahat nangyayare dahil sinasabe lahat ni Prince Roy sa kanyang kasintahan. Gusto nilang lumayo ngunit hindi nila magawa lalo na si Violet na may tungkulin na kailangan asikasuhin. Pinanganak niya ako, iniwan niya ako sa isang gubat ng ina ko." "Natapos na ang lahat ng gyerang nangyare sa pagitan ng mga pamilya ng hindi na ako mahanap ng ina ko. Dahil nakuha na ako ng ibang pamilya, hinanap ko paren siya kahit na galit na galit ako sa lahat ng nangyare, gumawa akon ng paraan hanggang sa matuklasan ko ang Illustra. Doon ko siya na kilala, siya din pala ang bagong lider ng Jimeñez nakaka tuwa ngunit hindi tuwa ng gusto kong mangyare." "Yinakap na ako ng araw na yun kahit papaanu naramdaman ko ang pagmamahal ng isang magulang, sinabe niyang magiging tagapag mana ako ng Jimeñez pero hindi yun ang gusto kong mangyare. Gusto ko muling itaguyod ang Grace, ngunit hindi siya natuwa sa gusto kong mangyare. Hindi kami nagkaintindihan, hindi mo alam na may anak ding nawawala ngayun si Alline ang kapatid ni Prince Roy, kong hindi ko man magawang makapag higangti siya ang magpapatuloy ng lahat ng nasimulan ko." Hindi makapaniwala si Kaden sa kanyang nalaman, nagtatalo ang kanyang isipan kong totoo ba ang lahat ng naririnig niya ngunit nag patuloy lang si Ian. "Paanu nabuo ang lahat ng ito, dahil bumalik ako sa mundong kinalakihan ko. Dito ko nalaman na hindi na lang ako nag iisa, naghanap ako naghanap hanggang sa maka buo ako. Sila din ay mga galing sa mga angkan na pinag kaitan ng kapalaran sa mundong sinasabe ninyung merong katahimikan, ang Illustra. Sila lang naman ang bagong heneresasyon ng Grace at Prix." Naka talikod na si Ian kay Kaden ngunit nagsasalita paren ito, "anung masasabe mo Kaden Otis?" Alam na kong anung gagawin ni Kaden sa mga oras na yun, buo na ang desisyon niyang walang Jimeñez ang katulad ng kaharap niya. "Salamat," sambit niya. Naningkit ang mga mata ni Ian at kasabay ng mga pagkunot ng noo niya. "Anu?" "Salamat sa pagkikwento mo, dahil doon nakapag pahinga ako." Haharap na sana si Ian kay Kaden ng tuluyan na itong naka tayu, huli na ang lahat at agad na kinuha ni Kaden si Ian. Binato niya ito sa eri hanggang sa tumama sa pader ng bahay, sa lakas ng pagkakabato ni Kaden, naka gawa ito ng butas hanggang sa maka pasok si Ian sa loob. Umayos ng tao si Kaden at saka naglakad papalapit sa bahay. Halos pinag mamasdan na lamang sila ng mga kasapi ni Ian sa kanila at hindi na gumagalaw. "Sabe ko sayu, hindi pa ako tapos."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD