Awaken 14

1634 Words
AWAKEN 14 AGAD na dinala ni Eulexis si Camille sa tagong bahay na gawa sa nipa hut na naka tayu sa mismong gitna ng mga bulaklak na tulip. Sinipa niya ang pinto para maka pasok at nang maka pasok na siya ng tuluyan, ay siya namang nilapag ang dalaga sa kama sa loob ng isang kwarto. Kabadong kabado siya sa mga oras na yun nang makita ang namumutlang mukha ng dalaga nang mabuksan niya ang ilaw sa silid. Kumuha siya ng mga magagamit niya para sa pang gagamot sa sugat ng dalaga. Nang makuha niya ang kanyang kailangan, bumalik siya sa dalaga, walang pag alinlangan na sinira ang pantalon at animoy naging short. Lalong umagos ang dugo sa sugat ng dalaga at napa lunok. Ilang beses din niyang pinigilan ang sarili sa pagbabagong anyo, ang bilis ng t***k nang puso niya sa mga oras na yun at animoy may gustong kumawala sa kanyang pagkatao. Natatakot siyang masaktan ang dalaga kaya agad siyang tumayo at lumayo. 'Hindi toh, pwede kailangan ko siyang gamutin, hindi ako pwedeng magpadala sa kong anung na aamoy ko.' Pagtatalo ng kanyang isipan. Kahit din siya ay pinag papawisan at agad na bumalik sa tabi ng dalaga. Pikit mata siyang nilinisan at tinalian ng benda ang sugat ng dalaga. May mga dugo ng dalaga sa kamay niya na gusto niyang dilaan pero hindi ito maari. Pinag masdan na muna niya ang dalaga at lumabas. Alam niyang nag kalat ang dugo ng dalaga ng ihatid niya ito sa tagong bahay niya. Lumabas siya ng nipa hut at naghanap ng hayop sa paligid. Maingat siyang nag hanap hanggang sa may mahanap siyang baboy ramo, agad niya itong hinuli at pinatay. Ang dugo nito ay pinatak sa mga nagkalat ding dugo ng dalaga, para hindi maisip ng mga taga Swiss na kasama niya ang dalaga at hindi masundan ang amoy nito. Kailangan niyang malinglang ang buong taga Illustra. Naka hinga siya ng maluwag at saka siya bumalik sa nipa hut para bantayan ang dalaga.   "Camille," dumilat ang mga mata ng dalaga at agad na naramdaman ang kirot sa kanyang legs. Takang taka siya dahil nasa malambot siyang kama at wala na sa gubat. Ang pagkaka alala niya'y nalaglag siya sa isang butas at bapa balikwas ng bangon. Lalong sumakit ang sugat niya kaya siya'y napa singhal. Tinanggal niya ang kumot na naka takip sa kanyang katawan doon niya nakita na naging short na lang ang pantalon niya at may benda ang sugat niya ngunit puno naman ng dugo. Tinanggal niya ang benda at puno ng dugo ang kanyang legs. Agad siyang umalis sa kama para maka hanap ng bagong pang takip sa sugat ngunit pa ika-ika at lalo lang sumasakit ang sugat. Hindi na niya kinaya at natumba siya sa sahig. Unang tumama ang sugat niya kaya lalo siyang napa singhal, isang kirot na ngayun lang niya naramdaman at umaakyat ito sa buo niyang katawan. Parang mas gusto pa niyang matulog kesa ang magising at maramdaman ang sugat. Gumapang siya pa balik sa kama at hirap na hirap na dumapa doon. Ang bilis ng pag hinga niya at biglang bumukas ang pinto ng silid. Laking gulat nang makita siya ni Eulexis na naka dapa kaya agad siya nitong nilapitan at inayus ang pagkaka higa. Umalingangaw na naman ang mabango dugo ng dalaga para sa katulad ng binata.  "Anung ginawa mo?" Nang makitang tanggal na ang benda kaya umaagos na naman ang dugo nito. Hindi naman makapag salita si Camille dahil sa kanyang nararamdaman. Kinuha ni Eulexis ang dalaga at kinarga. Nilabas niya ito, pinasok sa loob ng banyo dahil na andoon ang lahat ng kailangan niya at inupo sa may takip na inidoro. Takang taka naman ang dalaga at hindi maiwasang hindi mapansin ang mga ugat sa mukha ng binata na halos kita na. Gusto niyang mag tanung kong anung nangyayare sa binata at kong bakit lumalabas ang ugat nito sa mukha pero lingid sa kaalaman ng dalaga ay ilang beses nang gustong mag bago ng anyo ni Eulexis. Hingal na hingal si Camille at animoy tumakbo ng napaka layu. Naglabas ng sinulid at karayom ang binata. "A---anung gagawin mo?" "Tatahiin yung sugat mo, kong hindi ko yun gagawin lalong mag durugo yan." "Anu?" "Alam ko masakit ito sa katulad mo pero kailangan mong tiisin---" "Bakit!?" "Dahil mabango ang dugo mo sa katulad ko at pwede kang mamatay dahil sa akin." Ngayun lang naalala ni Camille na iba pala ang binatang ka harap niya. Hindi na siya nag salita at hinayaan na gamutin ng binata. Ngunit singhal lang ang inabot niya nang tahiin na ang kanyang sugat, hanggang sa matapos ay hinang hina siya. Napa tingala ang dalaga sa kisame, hingal na hingal at animoy nag hilamos ng pawis sa sobrang basa ng mukha. Ganun paren ang posisyon nila at pinatong ng binata ang ginamit niya sa sahig. Pinag masdan ng dalaga ang binata at naka yuko paren. "Salamat," napa sulyap ang binata sa kanya at hindi na lumalabas ang ugat nito sa mukha. Kong di dahil sa binata baka namatay na siya dahil na ubos na ang dugo niya. Makikita ang pag aalala sa mukha ng binata. "Natakot ba kita?" Takang taka naman ang dalaga sa tanung ng binata sa kanya, "bakit? Para saan at kailangan kong matakot siya?" "Sa sinabe ko, na baka mamatay ka sa akin." Sa nararamdaman kanina ni Camille ay pag ka gulat lamang at hindi takot. Wala siyang dahilan para matakot sa binata at napa ngisi ang dalaga na siya na namang nag pa mangah kay Eulexis. "Hindi, tinulungan mo pa nga ako at ginamot. Kaya imposibleng mangyare yun," ngumiti ang dalaga, "may tiwala ako sayu na hindi mo magagawa sa akin yun." "Sigurado ka?" Pero gustong subukan ni Eulexis ang sinasabeng tiwala ng dalaga. Dahan-dahan na pinantay ng binata ang mukha niya sa mukha ng dalaga. Ayaw niyang gawin ito pero hindi rin niya magawang pigilan ang kanyang sarili. Pinag mamasdan ni Camille ang mata ni Eulexis na animoy sinasabe ng mga mata ng binata na tignan lang ito. Dahan-dahan na umangat ang kamay ng binata at pinatong ang isang kamay kong saan may sugat ang dalaga. Imbes na kirot ang maramdaman ni Camille ay isang kiliti lalo na't sa malamig na kamay ng binata. "Eulexis." Bumaba ang mukha ng binata sa collar bone ng dalaga. Parang nauubusan ng hangin ang dalaga sa ginagawa ng binata sa kanya. "Sigurado ka bang may tiwala ka sa akin, gaanu ka nagtitiwala sa akin?" Bumaba lalo ang mukha niya at dumikit ang dulo ng ilong ng binata sa balat ng dalaga. Animoy ginigising ang milyong milyon na bultahe sa kanyang katawan at hindi niya maiwasang mapa lunok. "May tiwala ako sayu," wika ka sabay ng pag pikit dahil sa pagbaba lalo ng binata. Umangat muli ang mukha ng binata at nakita ang naka pikit na mata ng dalaga. Pina dulas ng binata ang hintuturo sa ibabaw ng ilong ng dalaga at siya namang pag dilat ni Camille. "Hindi ko sisirain ang tiwala na binigay mo sa akin," saka kinarga ang dalaga at inupo naman sa sala. Hindi mawala ang tingin ng dalaga sa binata at hindi niya maintindihan ang kinikilos ng binata. Binuksan ng binata ang bintana at pag pasok ng malamig at mabangong amoy ng bulaklak galing sa labas. Napa sulyap naman si Eulexis nang biglang bumahin ng paulit ulit ang dalaga at takang taka kong bakit. "Ayus ka lang ba?" "Nagkaka ganito lang naman ako pag may naamoy akong bulaklak, allergy ako sa mga bulaklak, sayang nga kase ang gaganda nila pero bawal sa akin." "Ganun ba, sayang nga. Halika tignan mo," pagyaya ni Eulexis sa dalaga habang inaalayan itong maka tayu. Namangha naman ang dalaga nang makita ang mga tulip na naka paligid aa nipa hut, ngunit napapabahin paren siya kaya sinara na lamang ng binata ang bintana sa sala. Pina upo muli ng binata si Camille sa mahabang upuan na gawa sa bamboo. Doon lang nakita ni Camille ang kabuuan ng loob na sobrang linis at napaka aliwalas. "Sayu ba ito?" Napa sulyap naman si Eulexis kay Camille na naka tingin sa buong kabahayan. "Ito ba, oo naman, kaming tatlong magkakapatid na lalaki ay meron nito, may mga time kase na mahilig kaming mapag isa kaya pumupunta kami sa mga sarili naming lugar." "Astig naman." "Salamat," tumayo naman ang binata at lumapit sa maliit na kusina. "Oo nga pala, gulay, mga matatamis na pagkain na meron dito at baka maumay ka. Ito na muna ang ipapakain ko sayu. Wag kang mag alala babalik naman tayu agad sa mansyon pagkatapos mag almusal." "Ayus lang yun kahit anu pa yan basta yung kaya kong kainin, hilaw na karne lang naman ang hindi ko kayang kainin." Natawa naman ang binata, "sige ba Camille." Agad na napa sulyap si Camille nang tama na ang tawag sa kanya ng binata, "anung sabe mo?" Takang taka naman ang binata dahil wala naman siyang na pansing may kakaibang nasabe. "Sabe ko sige ba kong yun ang gusto mo, Camille?" Si Camille naman ang natawa, "nasasabe muna ng maayus ang pangalan ko at hindi ka nang huhula." "Talaga?" Namangha din ang binata sa kanyang nalaman. "Mabuti," saka napa kamot sa batok. "Isa pang salamat at nasabe muna ng maayus ang pangalan ko," sarkastikong wika ng dalaga. May isa pang naalala ang dalaga, "pwede bang mag tagal muna tayu dito?" Napa kunot noo naman ang binata, "bakit naman?" "Mas ok kase ditong tumira na muna kesa sa mansyon ninyu, o kaya may lugar bang pwedeng puntahan yung bang nakaka tanggal ng problema." Sandaling nag isip si Eulexis at na tahimik bago muli nag salita. "Pwede naman, kaso mas maganda siguro na malaman nila mama na nasa maayus tayu kase baka hinahanap tayu simula pa kahapon. Pero may lugar akong alam, na alam kong magugustuhan mo."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD