CAGE 100 LAHAT ng mga sundalong Echo ay kinulong sa salang pagsali sa pakikipag aklas laban sa buong Illustra, nang matapos ang gulo agad na pumunta si Jake dala ang dalagang si Idlyn sa mansyon ng mga Otis, sa harap nun' may mga bantay na sundalo pa ng Otis kaya agad din silang hinarangan lalo na't pamilyar ang mukha ni Jake sa lahat. "Wag ninyo kami sasaktan, kami nagpunta dito para makipag usap ng maayos at hindi ang gumawa ng gulo," aniya ni Jake habang nagtatago sa likod niya si Idlyn. "Hindi ko alam na may nabubuhay pa palang mga Echo, dapat kayong makulong." Giit naman ng isang sundalo na sinang ayunan naman ng iba. "Hindi ninyo pwedeng gawin yan, kami naparito para makipag usap sa anak ng Otis na si Sidney, kailangan niyang makita si Idlyn." "Sino naman ang Idlyn na yan?" Tano