DEATH 124 HINDI din naman nagtagal si Lexi at si Rovic sa silid na yon, agad din silang aalis, sa pagbukas ng pinto, isa ang bumungad sa kanila ang lola ng binata at si Lady Amber. Nagkatitigan ang bawat isa sa kanila, napa sulyap naman si regina Jona kay Lexi at sa kamay nito na hawak ng binata, napa sulyap din si Lady Amber sa kamay ng dalawa. "Sino ka naman iha?" Seryosong tanong ni regina Jona kay Lexi. Magsasalita pa sana si Lexi nang pangunahan ito ni Rovic, "siya po si---" isang titig lang ang binigay ni regina Jona sa binata na siyang nagpahinto dito. "Ikaw ba ang tinatanong ko iho?" Kalmado lang ang dalaga, si Rovic ang kinakabahan para sa dalaga na baka hindi ito magustuhan ng lola lalo na't iba ang gusto nito para sa kanya. "Patawarin ninyo po ako," hindi naman pinansin ni