Awaken 40
KASABAY nagpakamatay ni Madison at ang pagkawala ng besa ng mahikang ginawa niya. Lahat ay nagsihinto sa pakikipag laban ng makitang nagsisibagsakan sa lupa ang mga kabataan na kasali sa propaganda at agad na binuhat isa-isa para mailagay sa ligtas na lugar. Humarap naman si Eulexis kay Camille na naka upo na ngayun at naka sandal ang likod sa katawan ng puno. Alalang alala ang binata nang makitang nang hihina ang dalaga hanggang sa maka lapit ito ng tuluyan at isang ngiti naman ang binigay ni Camille. "Patawarin mo ako," sambit ng binata at hinawakan ang magkabilang pisngi ng dalaga.
Napa iling ang dalaga, "ayus lang ako dahil ayus kana." Hindi mapigilan ni Camille na maging emosyunal kasabay ng mga ngiti niya. Kaya napa ngiti na rin si Eulexi at pinatong ang noo nito sa noo din mismo ng dalaga.
"Salamat, kong di dahil sayu baka napatay ko na pamilya ko, kong di dahil sayu baka napatay ko na sila lahat." Hindi na nagsalita pa si Camille at binigyan ng halik sa labi si Eulexis. Kakalas sana nito ng lalo pang ipagdiinan ni Eulexis ang mga labi nila kaya hindi ito nagkahiwalay. Ilang minuto silang ganun hanggang sa ang binata na mismo ang kusang kumalas at pinatong muli ang noo nito sa noo din ng dalaga. "Mahal na mahal kita, kong alam mo lang."
"Hindi mo alam kong gaanu ako kasaya pag naririnig ko yan galing sayu, mahal na mahal na mahal din kita." Nagtawanan pa ang dalawa dahil halos paos na ang boses ni Camille.
HINDI man makalimutan ng lahat ng nangyare ng gabeng yun at isa na namang leksyun sa lahat. Unti-unti inaayus ng bawat bayan ng mga angkan ang nasirang bahay at mga bagay. Kailangan ding bigyan ng maayus na libingan ang mga napaslang sa paglusob. Katulad ng Grace noon na tinanggal sa angkan na meron sila, ganun din ang nangyare sa Prix, inalis ang kanilang pribiliheyo bilang Prix, kailangan lumipat ang lahat ng miyembro ng Prix sa angkan na gusto pa nila at doon mag umpisa ng bagong buhay. Tanging Otis, Jimenez, Echo, White at Swiss na lamang ang natirang angkan sa Illustra.
Dahil wala na ang mga council pumalit na ang mga bagong nagtapos sa guild ng Swiss na dapat kasabay doon si Victoria. Ngunit hindi niya gustong maging council at mas pinili niyang maging guro ng mga mahika sa guild na pinayagan naman ng lider ng angkan na kina bibilangan niya. Tatlong linggo na ang naka lipas at tatlong linggo na ring natahimik ang lahat. Tatlong linggo na ring may sariling silid si Camille sa mansyon ng mga Otis at wala pa ring nakaka alam kong saan ba talaga siya nang galing. Mas pinili ng mga nakaka alam na wag nang ipamalita sa iba at mas gusto nilang matahimik na ng tuluyan.
Naging kompleto na rin ang pamilya ni Eulexis, unti-unti na ring gumagaling ang ina niyang si Eunice pagkatapos ng pagkakasakit nito sa pagkawala ng mga anak. Sa ngayun ay si Eulexis na ang bagong lider ng mga Otis dahil bumaba na ang mga magulang niya. Mag isa siya sa kanyang silid, pinag mamasdan ang mga batas na gusto niyang baguhin sa Illustra at ipaalam sa miyembro ng council para wala nang mangyare pang hindi maganda sa mundo nila.
Dahil si Camille ay titira na habang buhay sa Illustra hiniling niya kay Victoria na gamitan ng mahika ang lahat ng taong nakaka kilala sa kanya at makalimutan na siya ng mga ito dahil yun ang magandang paraan. Sila Tina at Lexi ay hindi paren makapaniwalang napa sa ilalim sila ng maitim na mahika. Kahit papaanu naiitindihan din ni Kaden na hindi para sa kanya ang dalagang si Camille at alam niyang makaka tagpo din siya ng para sa kanya.
Sa gitna ng mga papel na andoon ang bukas na maliit na kahon at sa loob nun ang isang singsing para kay Camille. Ilang beses niyang gustong tanungin ang dalaga ngunit palagi siyang nilalapitan ng kaba at takot. Laking gulat niya ng may kumatok sa kanyang silid kaya agad niyang naitago sa kabinet niya. Inayus na muna niya ang kanyang sarili at saka pinag buksan ang pinto. Nakita niyang naka suot ng itim na dresa ang dalaga, balikat hanggang sa pulso nito at tanging naka labas lang ang kamay.
"May pupuntahan ka ba?"
"Wala naman, hindi ko ba pwedeng bisitahin ang bagong lider ng Otis." Aniya ni Camille.
"Pasok ka," pag anyaya ng binata at saka sila pumunta sa maliit na sala sa silid ng binata. Halata sa binata na hindi mapakali sa kanyang kina uupuan na agad ding na pansin ni Camille.
"Ayus ka lang ba?"
"Oo naman," sabay ngiti ni Eulexis.
"Parang hindi ka kase ayus, baka busy ka mas maganda talaga na hindi na muna ako pumunta." Aalis na sana si Camille ng hatakin muli siya ni Eulexis.
"Teka lang," pero habang patagal ng patagal lalong palakas ng palakas ang t***k ng puso ni Eulexis. Mahal niya ang dalaga ngunit nagtatanung din siya kong ito na ba ang tamang panahon para masabe ang mas gusto pa niyang mangyare sa kanilang buhay.
"Sigurado ka bang ayus ka lang?" Sabay tinapat ni Camille ang kamay niya sa noo ni Eulexis kong may sakit ba ito dahil namumutla ang mukha nito. Kinuha naman ni Eulexis ang dalawang kamay ni Camille at saka dahan-dahan na niluhod ang isang tuhod sa sahig. Napa isip siyang bahala na kong anung isasagot ni Camille sa itatanung niya ngayung gabe. "Anung ginagawa mo?"
"Ako na muna Camille magsasalita kase baka hindi ko na kayang itanung uli ito, baka matagalan pa." Huminga ng malalim si Eulexis at nagdala sa isipan niya. Titig na titig sila sa isa't isang mga mata. "Alam ko hindi ako ang perpektong nilalang sa mundo, hindi rin maganda ang pagkikita natin noong una pero gustong sabihin sayu na nung makita kita yun na ang pinaka magandang araw para sa akin."
"Talaga lang ah?" Sabay tawa ni Camille.
"Ako na nga muna kase," sabay kamot ni Eulexis sa batok niya.
"Oo na, oo na, ikaw na muna."
Huminga na muna ng malalim si Eulexis, "pwede bang gawin mo akong pinaka masayang lalaki sa mundo, pwede mo bang pakasalan ang halimaw na nasa harapan na toh. Camille, pwede mo ba akong pakasalan?"
Hindi naman makapaniwala si Camille sa tanung sa kanya ni Eulexis. Sasagot na sana siya ng tumayo si Eulexis, "bakit?"
"Teka lang." Agad na kinuha ni Eulexis ang kahon kong saan naka lagay ang singsing para sa dalaga at agad muling bumalik sa pagkakaluhod sa harap ni Camille. "Sorry."
Hindi alam ni Camille kong matatawa ba siya o anu sa mga oras na yun. "Oo naman, payag akong magpakasal sayu Eulexis." Nanginginig pang nilagay ng binata sa daliri ng dalaga at agad na binigyan ng halik si Camille sa labi habang hawak ang magkabilang pisngi ng dalaga.