DEATH 121 GULAT na gulat ang lahat nang makita nila ang sampung karawaheng kulay rosas na naka hinto sa harap ng mansyon ng mga Swiss, lahat ay nagtataka at maraming katanungan kong saan nang galing ang mga bisita. Lumabas ang isang grupo ng mga gwardya na may mga suot na balote, ayon sa dalawa pang gwardya meron itong hawak na watawat na siyang sagisag sa binangalingan ng bagong dating. Kukay rosas ang watawat habang may mga tassil sa buong paligid nito na kulay puti, sa loob naman nito makikita ang isang kutsilyo na naka bagsak ang patalim at may ahas sa palibot nito. Nang maka labas si Mark, ang lider ng Swiss nang malaman na may bisita silang dumating. Agad na kumalat ang balita at nagsidatingan din ang lahat ng miyembro ng council pati na rin ang mga importanteng tao sa bawat angka