CAGE 98 HALOS isang buwan paren na hindi nagbabago ang kalikasan sa Illustra, may mga pamilyang nagugutom dahil hindi sila nakapag imbak ng pagkain, kaya madalas na tinutulungan naman ng meron ang wala, ang mga sundalo ng bawat angkan ay naka bantay paren sa labas ng mansyon nang Echo. Wala silang nagawa kong di ang maghintay at maghanda sa atake, kailangan nilang maging alerto kahit na sa buong buwan na paghihintay ay wala pa silang nakikitang lumalabas, lalo na't naka harang paren ang mga punong naging gate. Kahit alam nilang kayang maka pasok sa teritoryo ng Echo, kailangan nilang mag ingat sa mga hakbang na gagawin kaya minabuti na lamang nilang maghintay. Sa loob ng mansyon ng mga Echo, sa mismong silid ni Idlyn ay napakatamlay at tahimik animoy mararamdaman mo ang bigat ng kanyang