AWAKEN 20
NAGLALAKAD sila Camille at Kaden ng tahimik sa gubat. Nagyayain ni Kaden si Camille nag dalawang isip pa ito, dahil gustong makilala ni Camille ang binata, pumayag naman itong sumama kahit na sandali lang. Isang oras na silang naglalakad at halos pataas na ng pataas ang mga galang halaman na abot hanggang tuhod. May makikita din doon na naglalakihang bulaklak at iba't ibang kulay na ngayun lang nakita ni Camille. Halos malayu-layu na rin ang nilakad nila at kumikirot na rin ang sugat ng dalaga. Hindi naman makapag umpisa ng pwedeng kwentuhan ni Kaden sa dalaga dahil nahihiya siya, sa pagkakataon na yun ngayun lang siya nahiya sa babae, higit sa lahat sa isa pang mortal.
Ang alam lang ng binata ay may lihim siyang pag tingin sa dalaga, naramdaman na niya yun nang una itong dumating sa mansyon nila. Huminto ang binata kaya ginaya din siya ng dalaga, pareho nilang naririnig ang isang tunog ng paparating na train. Dahil ang lugar na yun ay malapit sa isang istasyun ng train na bumabiyahe sa Manila hanggang Naga. "Tama ba yung naririnig ko na isang tunog ng Train?" Pagtataka ng dalaga habang simpleng hinihimas ang kumikirot niyang sugat.
"Oo, yung pupuntahan natin kase malapit lang sa isa pang lagusan tapos yung lagusan na yun malapit doon ang isang istasyun ng Train na madalas kong puntahan para magpa lamig." Natahimik ang dalaga at sinulyapan siya ng binata, "tama ka nakaka labas ako ng Illustra ng hindi nila alam, katulad din ako ni Eulexis na nakaka labas ng Illustra na hindi nila alam, patago at babalik ng parang walang nangyare." Mas maraming beses nang naka labas si Kaden kesa kay Eulexis, yun nga lang hindi alam ng iba dahil tingin nila na mas tahimik ibig sabihin walang gagawing labag sa batas.
"Bakit ka naman lumalabas ng Illustra?"
"Ako kase ang madalas na nangangaso para makakain kami ng hilaw na karne ng hayop, mas marami sa dito ang ligaw na hayop at minsan pag wala akong nakikita, sinubukan kong lumabas. Mas marami akong na huhuli, kaya bumalik na ako ng bumalik, mas malawak kase ang mundo sa labas kesa dito."
"Kaya ka ba palaging may dalang pana at palaso?"
"Oo, para kong sakaling mag lakad-lakad ako madali lang sa akin at saka higit pa doon ang ginagawa ko pag nasa mundo ako ng mga mortal." Dahil na ngangalay na ang dalaga, umupo ba muna siya sa malaking bato na katabi ng malaking puno at si Kaden naman sinandal na muna ang likod sa punong yun. "Simula kase ng malaman ng ibang aswang na may mga daan pala pabalik sa mundo ng mortal ang Illustra, ay siya namang nag si takas at hindi na bumalik. Normal naman yung buhay nila yun nga bumalik din sila sa dating gawi, kumakain uli sila ng laman loob ng tao, walang pang nakaka alam sa bahay na yun kong di ako, kaya pag nakaka kita ako ng katulad ko ngunit pumapatay ng mortal, kailangan ko din sila patayin para hindi na uli maulit."
"Natatakot ka siguro na mahusgahan ng council kong sakaling masabe mo sa kanila ang nalalaman mo?"
"Parang ganun na rin," seryosong sagot ni Kaden. "Pana at palaso din ang gamit ko. Hindi rin toh simpleng sandata para sa mga hayop, gawa toh sa pilak at tanso kong saan panguntra sa katulad namin. Para madali silang mapatay." Muli silang natahimik at na gulat ng bahagya si Camille ng kunin ni Kaden ang kamay niya. "Halika sumama ka sa akin."
"Saan naman tayu pupunta?" Nagiging magaan na ang loob ni Camille kahit na maikling oras na pag uusap nila ni Kaden. Naglakad muli sila na hindi binatawan ni Kaden ang kamay ni Camille at umabot ng kalahting oras ang paglalakad nila hanggang sa huminto sila sa harapa ng isang nipa hut, naalala tuloy ni Camille ang nipa hut din ni Eulexis. "Naalala ko pala na kayung tatlong magkakapatid na lalaki na may tig iisa kayung nipa hut."
"Paanu mo nalaman ang bagay na yun?"
"Naka punta na ako sa nipa hut ni Eulexis, dinala niya ako doon noong na aksidente akong malaglag sa sinasabe mong patibong na gawa mo."
Biglang may sumaging alala kay Kaden sa mga oras na yun tungkol sa nipa hut. Na kong may maidalang babae ang bawat isa sa kanila sa kanilang nipa hut ay siyang magiging kasintahan. Sa kaso niya ayus na si Camille ang una niyang maging kasintahan ngunit na unahan na siya ni Eulexis sa babaeng gusto niya. Napa ngiti siya ng mapait, "na una na pala siya."
"Huh?" Hindi naman maintindihan ni Camille ang ibig sabihin ni Kaden.
"Wala, magpahinga na muna tayu saka ko sayu ipapakita kong paanu ako mangaso." Nagpa hinga sila ng kalahati pang oras, saka naman sila bumalik sa pinaka gitnang bahagi ng gubat para ipakita ni Kaden ang pag gamit niya ng pana at palaso. Na isang tabi lamang si Camille habang manghang mangha na nood kong paanu kumilos at gumalaw ang binata. Naka ilang beses din ito ng sablay bago ito maka tama ng dalawang kambing at tatlong baboy ramo. Ni hindi man lang pinag pawisan ang binata ngunit hiyang hiya siya sa dalaga dahil naka ilang sablay siya sa pag pana.
"Ang galing mo," aniya ni Camille sa kanyang ka galingan sa pagpana, kong sa kanya pakiramdam niya walang kwentang araw na yun ay bigla na lamang nag laho dahil sa nakitang ngiti sa mukha ni Camille lalo na't unang beses niyang sinabihan ng isang papuri.
"Talaga?"
"Oo naman, parang ikaw yung mga napapa nood ko sa tv noon, ang galing mo."
Napa ngiti din ang binatang si Kaden, "salamat." Sa unang pagkakataon naging madaldal si Kaden, kiniwento niya kong anu ang una niyang gagawin pag nangangaso siya. Tuwang tuwa silang umuwi ng mansyon ngunit biglang naalala ni Camille si Eulexis, dahil hanggang ngayun wala paren ito sa bahay. Doon din bumalik sa realidad ng binata na ang lungkot na yun ay para sa kanyang nakaka tandang kapatid, nagkunwaring wala siyang nakita o na pansin sa dalaga. "Salamat uli sa pag sama sa akin," wika ni Kaden.
"Naku wala yun, kong wala ka baka namatay na ako sa boredom sa mansyon ninyu." Bumalik na mag isa si Camille sa kanyang silid, ngunit may isang bagay ang pumasok sa isipan ni Kaden. Na hindi pa man magkasintahan ang dalawa, ibig sabihin may pag asa oa siyang hingiin ang pag ibig ng dalaga para sa kanya.