Awaken 38

1179 Words
AWAKEN 38 NAKITA ni Camille kanyang sarili na hindi na yakap ni Victoria, tanging si Victoria lang ang nakaka alam kong anung nangyare at ang dalawang binata naman ay takang taka sa biglang pagkatulala ng dalaga ng ilang segundo. Nang hina ang mga tuhod ni Camille at nawalan ng malay, nasalo naman ni Sid ang dalaga at agad na kinarga. "Anung ginawa mo sa kanya?" Tanung ni Sid kay Victoria. Huminga ng malalim si Victoria dahil isang mahabang paliwanagan ito kaya minabuti niyang tumahimik na muna sa bagay na yun, "kailangan muna natin pumunta sa tahimik na lugar at ligtas." Sinunod naman ng kambal ang gustong mangyare ng dalaga. Mas pinili nilang pumunta sa nipa hut ni Kaden dahil ito rin ang pinaka malapit sa gubat kong na saan sila. Nang makarating sila doon ay agad nilang nilapag si Camille sa kama. Hindi na makapag pigil si Kaden sa pagtatanung at nag aalala din siya ng sobra sa dalaga. "Anu ba talagang nangyare, anung ginawa mo sa kanya?" "Ayus lang si Camille, ang ginawa ko sa kanya ay dinala ko ang kaluluwa niya sa nakaraan at sa mangyayare sa susunod na panahon. Ginawa ko at ginamit ko siya para makita ang kailangan kong makita. May itim na mahika ang ginagamit si Madison kaya hindi ko nababasa ang lahat, kaming dalawa lang ni Camille ang nakaka kita. Ang hinahanap natin ay si Eulexis, para mahanap ang isang nilalang na naka kulong sa itim na mahika kailangan kong gumamit ng nakaka kilala din sa kanya, pero walang angkan na kina bibilangan. Si Camille lang naman ang walang angkan sa lahat at isa siyang mortal na naging immortal na ngayun." Naitindihan naman ng kambal kong anung gustong sabihin ni Victoria, "sigurado kang ayus lang si Camille?" Tanung muli ni Sid. "Ayus lang siya, napapagod din ang katawan niya kasabay ng kaluluwa niya sa paglalakbay kaya magigising man siya anumang oras." "Anu naman ang tungkol kay Madison? Anung kinalaman ni Madison Prix?" Tanung naman ni Kaden habang higpit na higpit ang pagkakahawak sa laylayan ng damit. Saka naman kiniwento ni Victoria ang lahat ng kiniwento nakita nila ni Camille. Hindi makapaniwala ang magkakambal sa lahat ng kanilang nalaman. Pagkatapos ng pag uusap nilang tatlo. Ay agad na umalis si Sid at Victoria para ipaalam lahat ng nalalaman nila. Si Kaden na lamang ang nagpaiwan at mas gusto pa niyang bantayan si Camille hanggang sa magising ito. Pinag mamasdan lamang niya si Camille habang naka pikit ang mga mata nito at dahan-dahan bumaba ang tingin niya sa labi nito. Bumilis ang t***k ng puso niya, napaka lakas ng epekto ng dalaga sa kanya, ang akala niya hindi siya magkakagusto sa isang mortal at lalong hindi niya inaasahan na magkakagusto siya sa babaeng gusto din ng kapatid niya. Gusto niyang makipag agawan pero alam niyang hindi siya mananalo lalo na't nararamdaman niyang mas gusto ni Camille si Eulexis. Agad na siyang tumayo, kasabay ng pagbuntong hininga niya ngunit hindi siya tuluyang naka alis ng magising na si Camille. Bumalik muli siya at tinulungan na maka upo ang dalaga sa kama. "Ayus kanaba?" Napa hawak si Camille sa kanyang ulo, "ayus lang ako medyo masakit lang ang ulo ko." Saka naman pinaliwanag ni Kaden ang lahat kong bakit masakit ang ulo nito, dahil sa ginawa sa kanya ni Victoria. Dahil dun naalala na naman ni Camille ang nangyare kay Eulexis at wala siyang magawa para sa binata. Dahan-dahan tumulo ang luha galing sa mata ni Camille at agad na pinahid ni Kaden. Napa sulyap naman si Camille sa binata at nagkatitigan sila. "Salamat," yun lang ang tanging nasabe ng dalaga. Ngumiti si Kaden ngunit makikita sa kanyang mata ang lungkot dahil alam niyang mas gusto ng dalaga na si Eulexis ang gumagawa nun. "Kahit na anung mangyare, palagi lang akong na andito para sayu." "Anung ibig mong sabihin?" Nag aalangan si Kaden na sabihin ang totoo niyang nararamdaman dahil alam niyang karapatan din ito ng dalaga. "Hindi ko alam kong kailangan ko naramdaman toh," lumunok si Kaden at hawak-hawak paren si ang mukha ni Camille. "Basta ko na lang toh naramdaman, na mahal kita." Unti-unting pumasok sa kanyang utak at maintindihan ang sinabe ng binata. "Anu?" Saka lang siya nakapag salita. Alam naman ni Kaden na magugulat ang dalaga, "pero hindi ko naman kailangan na ibalik mo yung nararamdaman ko sayu, hindi ko kailangan na ibalik mo yung pagmamahal na binibigay ko sayu. Ang sakin lang hayaan mo akong mahalin kita, hanggang sa makalimutan kita." "Kaden," hindi niya inaasahan na may ibang nararamdaman ang binata sa kanya. "Hindi ko alam na---" "Ayus lang, pakinggan muna lang ako." Sandali silang natahimik at saka may iniisip si Kaden, "mahal mo ba si Eulexis?" Napa isip si Camille alam niyang mahal niya si Eulexis ngunit alam niyang may masasaktan lalo na may gustong iba sa kanya at mismong kapatid pa ni Eulexis. "Gustong tapatin mo ako, kahit papaanu alam ko kong anu ang katayuan ko sa buhay mo." Binitawan na ni Kaden ang mukha ni Camille. Ngunit si Camille naman ang humawak sa mukha ng binata at sa mismong magkabilang mukha ni Kaden. Kahit papaanu natuwa si Kaden dahil sa ginawa ni Camille. "Patawarin mo ako sa pagiging manhid sa nararamdaman mo sa akin." Sandali na naman silang natahimik at hindi niya alam kong anung sasabihin niya. "Ayus lang ako, Camille. Magiging ayus din ako." "Oo, mahal ko si Eulexis at siya ang dahilan kong bakit ako na andito." Gusto mong pumikit ni Kaden ngunit mas gusto niyang makita ang katotohanan, "wag kang mag alala, magiging ayus ako para sayu at sa kapatid ko. Magpahinga kana muna bago tayu bumalik sa bayan." Agad na lumabas si Kaden ng silid at iniwan si Camille mag isa.   PAPALAPIT na ng papalapit sila Sid at Victoria. Nakikita nila habang papalapit sa mansyon ng mga Swiss ngunit may nagkakagulo sa unahan nila. Kumpulan ng mga tao at ang mga mukha nito ay hindi makapaniwala sa nakikita nila sa unahan. Kinabahan si Victoria, samantalang si Sid ay takang taka din. Biglang naalala ni Victoria ang isang bisyon na tungkol sa kanyang ina at agad siyang sumiksik sa mga tao hindi niya pinansin ang tawag ng binatang si Sid. Dahil dun agad na sumunod si Sid sa dalaga at baka mapaanu ito. Nang maka labas si Victoria sa kumpulan ng tao ay hindi siya makapaniwala sa kanyang nakikita. Mula sa harapan ng sirang gate ng Swiss naka sabit sa isang kahoy na ginawa para sa ganung bagay. Naka sabit ang katawan ng mga council sa isang kahoy, duguan at wala nang malay. Nasa pina gitna si Astra ang ina ni Victoria, nang hina ang tuhod niya at lumuhod patungo sa bangkay ng ina. Naka awang ang mga labi ng dalaga dahil hindi makapaniwala sa nangyare at nakikita. Hindi nagkamali ang kanyang bisyon, makikita niya talaga ang ina na mamamatay ito ng dahil sa sikretong propaganda. Gusto niyang sumigaw ngunit walang lumalabas sa bibig ng dalaga. Napa yakap na lamang ito sa paanan ni Astra at lungkot na lungkot si Sid na nakikitang ganun si Victoria.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD