DEATH 116 NANG maidala si Rovic sa isang lugar kong saan malayo sa ibang immortal, saka lamang siya pinakawalan ng dalawang lalaking may hawak sa kanya at tinanggal ang pag-gagapos ng mga kamay niya. Litong lito si Rovic sa nangyayare, bigla na lamang siyang magiging salarin sa siyam na pagkamatay ng mga immortal na hindi naman niya alam. Maraming puno ngunit wala sila sa gubat, may mga bilog na target na naka kapit sa bawat katawan ng puno, sa gilid meron namang mahabang lamesa at makikita doon ang iba't ibang sandata. Lumapit kay Rovic ang isang babaeng nasa edad 30 mahigit, may malaki itong pangangatawan na animoy madalas sa gym kahit na tatakpan ang katawan ng toga nito, makikita paren ang kalakihan ng katawan ng matandang babae. "Magandang umaga sayo binata," may makapal na bo