CAGE 93 NAGKAKAGULO sa mansyon ni Mr. Echo nang bumaba siya sa hagdan, nagsihinto naman ang lahat at napa sulyap sa kanilang lider, makikita ang takot sa mga mukha ng taga silbi at mga gwardya niya. Takang taka naman si Topher dahil umagang umaga sa pagkagising niya ay nagkakagulo ang lahat, dapat na matuwa dahil hihintayin na lamang nila ang gabe kong saan bubuhayin ang asawa niyang si Alline sa pamamagitan ng dugo ng binatang Otis. "Anong problema?" Walang sumagot ni isa, hanggang sa lumapit si Jake at ang anak niyang si Laura sa harapan niya. Nagkatinginan muna ang mag ama bago sumagot si Jake, "wag po kayong mabibigla sa balita Mr. Echo." "Bakit, ano bang nangyare? Sabihin mo na at ayoko ng paligoy ligoy," aniya ni Topher. Alam ni Jake kong paano magalit ang lider nila, natatako