Awaken 36

1472 Words
AWAKEN 36 TAHIMIK silang naglalakad at kahit papaanu naka hinga ng maluwag si Camille na ayus na ang alaala ng binata. Magkahawak ang kanilang kamay habang naglakad sa gubat. "Saan pala tayu pupunta?" Sabe ni Camille. "Pupunta tayu kay Victoria siya lang naman nakaka alam tungkol sa nangyayare, kaya siya ang pupuntahan natin." Bahagyang lumakas ang hangin sa kanilang paligid at may kong anung namumuo sa kanilang paligid. Nahinto ang dalawa hanggang sa maging katawan ng dahan-dahan ang mga abo. Gulat na gulat ang dalawa at ginawa ni Eulexis ay itago sa kanyang likuran ang dalaga. Naka palibot ang mga kabataan na halos kaseng edad lamang nila at blangko ang mga mata. Agad na lumapit ang isa sa kanila at hinawakan si Eulexis sa balikat. Pinipilit ng binata na bawiin ang balikat niya ngunit habang nakikipag hilahan ang binata ay aksidente naman niyang nasagi ang dalaga kaya natumba ito at napa upo sa lupa. "Eulexis!" Sigaw ni Camille sa binata nang maging abo din ito ng dahan-dahan kasabay ng pagiging abo din ng mga humarang sa kanila. Tumayo muli si Camille at pilit na inaagaw ang binata hanggang sa tuluyang nawala na ang mga ito. Hindi makapaniwala si Camille sa nangyare, kanina naka sama, nakaka usap na niya ang binata ng malapitan tapos bigla na lamang mangyayare ang lahat ng ito at magkakalayu na naman sila. Ngunit isang bagay ang naalala niya, ang pumunta kay Victoria. Pasikot sikot siya sa gubat para lang mahanap ang bayan ng Swiss. Hindi niya maiwasang mapa luha dahil sa nangyare at baka kong anu naman ang mangyare sa binata. Sandali siyang natigilan sa isang puno at napa takip ang kamay sa mukha. Hindi na niya alam ang gagawin sa mga oras na yun at iniisip na para bang wala siyang nagawa para lang sa binata. Si Eulexis marami na ang nagawa sa kanya samantalang siya wala pa. "Camille," natigilan siya at agad na napa tayu ng marinig ang pamilyar na boses na tumawag sa kanya. Nakita niya sila Victoria, Sidney at Kaden na papalapit sa kanya. Laking tuwa niya na nakita siya ng mga ito. "Ang galing mo talaga sa paghahanap," sabe ni Sid kay Victoria. Hindi naman pinansin ni Victoria ang sinabe ng binata at lumapit na ng tuluyan ang tatlo kay Camille. "Anung nangyare, ang akala namin nakita mo si Eulexis?" Tanung ni Kaden. "Paanu ninyu nalaman?" "Si Victoria ang nakaka alam ng mga ganyang bagay," pagmamayabang ni Sid. Lumuha naman si Camille at niyakap siya ni Victoria para aluhin. Ngunit nagbago ang lugar na kinatatayuan ni Camille ng mayakap siya ni Victoria. *** Palinga linga si Camille sa paligid at hindi niya makita ang tatlo. Naglahu muli ang lugar at nagbago ito sa isang mansyon. Alam niyang ibang mansyon ito at hindi sa Otis. Pagtaas ng mukha niya nakita niya ang magulang ni Eulexis, dalawa pang mag asawa at katabi ang isang dalaga na naka ngiti. May blonde, kulot-kulot na buhok, may papusong hugis ng mukha at ang masasabe lang ni Camille maganda ang dalaga. Hindi siya nito na pansin hanggang sa tumagos ang mga ito sa katawan niya. "Bakit pala kayu napa rito?" Tanung ng matandang babae at sumunod naman si Camille sa mga ito hanggang sa pumasok sa isang silid na sinundan naman ng dalaga. "Importante ang bagay na ito, Mrs. Prix at tungkol ito sa anak namin na si Eulexis." Aniya ni Dylan. Na alerto naman ang isang dalaga nang marinig ang pangalan na Eulexis. Umupo ang mga ito sa harap ng bilog na lamesa at nag tsaa. "Kumusta naman si Eulexis?" Tanung ng dalaga sa mag asawang Otis. "Ayus naman siya iha," sagot ni Eunice. "Ipagpatuloy mo Mr. Otis," sabe ni Mr. Prix. "Napag tanto namin na hindi ito ang gustong mangyare ng anak namin sa pagkakaroon ng mapapangasawa, gusto ko sanang bawiin namin ang kasunduan na ipapakasal namin si Eulexis kay Madison. Alam naman natin na kasama sa tradisyon ang bagay na yun, pero sa tingin ko hindi matutuwa ang anak namin pag nangyare ito." "Oo, sa tingin namin ay may natitipuan na iba ang anak namin at ayaw naming humadlang pa sa gusto niyang ibigin. Sana maintindihan ninyu kami, hindi lang siya magiging lider ng angkan namin, siya din ay magkakaroon ng pamilya, bubuhay kasama ng magiging asawa at anak niya." Nagkatinginan ang mag asawang Prix at si Madison naman ay natulala sa narinig dahil hindi niya inaasahan ang lahat na mangyayare ang bagay na ito. Humarap muli ang mag asawa kila Dylan at naka ngiti paren. "Naiitindihan namin ang gusto ninyung ipahiwatig, magulang lang kayu at ayaw ninyung magkaroon ng samaan sa bawat pamilya ninyu." "Maraming salamat Mrs. Prix at naiintindihan mo kami. Anak ko si Eulexis gusto ko lang ay yung bagay na magpapasaya sa kanya." Napa ngitium muli ang mag asawa kay Eunice, "kaya maraming salamat na naiintindihan ninyu kami." "Magulang din kami at imposibleng hindi namin maintindihan ang gusto ninyu para sa anak ninyu." "Maraming salamat," wika ni Dylan at tumayo na ang mag asawa. "Aalis na kami, yun man lang pinunta namin dito para magka intindihan tayu." "Wala yun, ihahatid na namin kayu." "Naku wag kaya na namin." Sabe naman ni Eunice at sinundan naman ni Camille ang mag asawa. Huminto ang mag asawa ng maka layu sila ng kaunti sa silid. "Sigurado ka bang may pagtingin si Eulexis sa mortal?" Bahagyang kinabahan si Camille alam niyang siya ang pinag uusapan at mukhang matagal nang nangyare ang pag uusap na yun. "Ina ako Dylan, nararamdaman ko yung simpleng pagtingin ng anak natin kay Camille. Hindi mo ba napapansin hindi na pala labas ang anak natin ng makilala niya si Camille, ibig sabihin may magandang epekto din ang aksidenteng pagkaka punta dito ng dalaga na siya namang kinatutuwa ko. Hindi ko kailangan maghanap sa anak natin at maghintay na dumating pag gabe, gusto kong magpasalamat kay Camille dahil sa kanya nagiging maayus na ang anak natin." Napa ngiti si Camille nang marinig ang pag uusap ng mag asawa tungkol sa kanila. "Hindi naman ninyu kailangan pang magpasalamat eh." Ngunit hindi naman siya naririnig ng mga ito. Nagpatuloy ang paglalakad ng mag asawa na nag uusap paren, "sa tingin mo ba matutuwa si Eulexis pag nalaman niya ito?" "Oo naman," siguradong sagot ni Camille. "Hindi ito maari!" Natigilan si Camille ng marinig ang sigaw ni Madison sa loob ng silid kaya agad siyang bumalik. "Bakit kayu pumayag?" Nakita ni Camille ang paghagolgul ni Madison sa harap ng magulang nito. "Madison hindi ka ba nakaka intindi may ibang gusto ang anak nila Mrs. Otis ibig sabihin nun walang nararamdaman sayu ang anak nila, magiging malungkot lang sa inyu pagnagkatuluyan pa kayu." "Matutunan din niya akong mahalin, mahal ko siya, si Eulexis lang ang para sa akin, mama pakiusapan ninyu magulang ni Eulexis na ituloy ang kasunduan." "Binababa mo lang ang pagkatao mo Madison, hindi kita pina laking ganyan, makinig ka maghahanap pa tayu ng para sayu wag kang mag alala." "Hindi! Hindi ninyu ako na iintindihan! Kong hindi ninyu magawa ang gusto ko, ako mismo ang gagawa para sa akin!" Nang papalabas na ang dalaga at tumagos lamang ang katawan nito kay Camille. Makikita naman ang pag aalala ng mga magulang nito sa anak nila. Bigla muli nag bago ang sinaryo at nasa silid naman siya ng dalagang si Madison. Magulo ang silid ng dalaga dahil sa pagwawala, bumilis ang pangyayare at bawat araw na pagmumokmuk ng dalaga sa loob ng silid araw man o gabe palaging sinisigaw ang pangalan ng binatang si Eulexis. "Mahal kita, gagawa ako ng paraan para lang tayu magkatuluyan." Mga salitang binitiwan nito sa pagitan ng mga hagulgol. Nag bago muli ang paligid at silid naman siya ng mag asawa. Bahagya lang ang ilaw na meron doon at tahimik ang buong paligid. Pumasok si Madison sa silid na yun at akala lang ni Camille na gigisingin nito ang magulang para magtanung ng isang bagay. Ngunit nagkamali si Camille may hawak na patalim si Madison at papalapit na ng papalapit sa mga magulang. Gusto niyang gisingin ang mga asawa ngunit isa lamang panaginip ang nakikita niya, "wag," bulong ni Camille. Ngunit huli na ang lahat, pinag sasaksak ni Madison ang mga magulang niya habang tulog, sunod-sunod at hindi mabilang. Walang makitang mali si Madison sa kanyang ginagawa hanggang sa halos magtalsikan ang dugo sa katawan. Napa ngiti ang dalaga ng hindi na humihinga ang magulang, "wag kayung mag alala kami ang susunod sa trono ninyu kaming dalawa ni Eulexis." Nilinis ni Madison ang sarili at hinintay na may magbalita sa kanya na patay na ang magulang niya para walang masabe ang lahat ng mga taga Prix. Nang dumating sa kanya ang balita ay agad itong nagkunwari at umiyak ng napaka lakas sa harap ng katawan ng magulang. Hindi makapaniwala si Camille sa nangyare at halos umikot ang kanyang sikmura sa nakita.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD