CAGE 95 NAKA tago ang hubad na katawan nila Sidney at Idlyn sa iisang kumot na kulay asul, magkayakap sa isa't isa habang naka higa sa kama ng binata. Magdamag silang gising, madilim rin sa buong silid at napaka tahimik nang buong lugar, lalo na't tapos na ang kasiyahan sa ibaba ng mansyon. Naka tago ang mukha ni Idlyn sa mismong dibdib ni Sidney habang naka ulo ang dalaga sa braso ng binata, ang binata naman ay pinag lalaruan ang ilang hibla ng buhok ng dalaga at pa minsan-minsan ay susuklayin ng daliri. Hinalikan ni Sidney ang noo ng dalaga na siyang nag pa ngiti kay Idlyn. "Mahal kita," bulong bigla ni Sidney kay Idlyn, maya-maya ay pumaibabaw bigla si Sidney na siyang kina gulat naman ng dalaga. Napa kunot noo si Idlyn, bahagyang namumula ang mga pisngi niya dahil nararamdaman nila