Awaken 28

1531 Words
AWAKEN 28 MAAGANG naka uwi si Camille sa kanilang bahay, bumili siya ng makakain na gulay na halo-halo at hindi na niluto. Nagtataka din ang mga kasama niya sa bahay sa pagiging vegetarian niya ngunit hindi alam ng pamilya niya na nag iiba na ang dalaga kasabay ng pag iiba nito ng mga kakainin at hahanapin ng pang lasa niya. Hindi na ito nag tanung sa kanya at hinayaan na lamang ang dalaga. Minabuti ni Camille na maagang pumasok sa mumunti niyang silid, pagkatapos niyang makapag bihis ng pang tulog ay agad din niyang binasa ang libro. May makapal itong pabalat na kulay itim, hindi naman ito gaanung kakapalan at may naka ukit sa gitna na 'ILLUSTRA' na kulay pilak. Unang makikita sa pahina ang isang mapa na lalong pinatitigan ni Camille at nilapit lalo ng dalaga sa kanyang mukha. Pamilyar sa kanya ang pangalan ng mga lugar na nakikita niya sa mapa, kong saan pwedeng madaan papuntang Illustra. Binuklat niya pa ang sunod na pahina, makikita doon ang isang pangalan ng probinsya at doon makikita sa pinaka gitna ang pangalang Illustra. Binuklat niya ang pangatlong pahina at makikita naman doon ang mapa papunta sa mismong daan pa tungo sa lugar ng Illustra. Sa sunod pang pahina, makikita naman ang lugar sa Illustra, hanggang sa makikita pa sa sunod na mga pahina ang tungkol sa Illustra, kong paanu ito nabuo, mga pangalan ng angkan at mga batas nito. Lalong naging milinaw kay Camille kong anu ba talaga ang Illustra. Ngayun lang napag tanto ni Camille na kaya ibinagay sa kanya ang librong ito dahil siya na mismo ang kailangan pumunta sa Illustra. Naalala pa ng dalaga na yun na ang mundo niya ayun kay Kaden, kailangan na niyang lisanin ang lugar na kinalikahan niya dahil sa isang pagbabago ng kanyang buhay. Pero may higit pang nagtutulak kay Camille na bumalik sa Illustra, ang mismong balikan si Eulexis. Hindi niya alam kong anu ngunit may bumabagabag sa kanyang isipan lalo na ang tungkol sa kanyang panaginip. Patuloy lang siya sa pagbabasa hanggang sa tuluyan na siyang lamunin ng antok. Na gising siya ng mas maaga pa at animoy hindi nagrereklamo pa ang katawan niya dahil alam niyang kulang siya sa antok ngunit wala ito sa kanya. Na isip na lamang ng dalaga na siguro dahil sa pagiging aswang na din. Kumuha siya ng pack bag, nilagay doon ang kaunting damit at mahahalagang bagay. Kinuha din niya ang kaha ng pera niya kong saan niya nilalagay ang kanyang ipon. Inihanda lang niya ang lahat at saka naligo para makapag ayus. Sinukbit na niya ang bag sa likod na hindi halatang aalis siya dahil kaunti lang ang dala, hindi man niya kayang iwan ang pamilya ngunit buo ang kanyang pamilya at alam niyang makikita pa rin niya ang mga ito pagkatapos mahanap ang totoong mundo. "Ma," napalingon ang ina ni Camille sa dalaga at agad na inabot ang kaha na puno ng pera. Takang taka naman ang ina nito, "para saan ito?" Laking gulat nito ng puno ng pera ang laman ng kaha, "teka anung gagawin ko dito." Alam ng dalagang tama na yun para makapag umpisa ang magulang niya, hinihintay niyang mapalago ang perang na ipon para sa pag aaral ngunit iba na ang pangarap niya simula ng mag iba ang mundo niya dahil kay Eulexis, tama na sa kanya ang maibigay ang saya sa pamilya niya ang bagay na pinag hirapan niya. "Ipon ko po yan para sa inyu at para sa mga kapatid ko." "Aba anak sobra-sobra na ito, akala ko ba gusto mong mag aral." Napa iling ang dalaga, "sa inyu po yan, para po sa inyu yan." Napa yakap ang ina ni Camille sa kanya, ayaw niyang sabihin ang plano niyang pag alis, baka hindi siya payagan at hindi niya maituloy ang gusto niyang mangyare para sa kanya. "Salamat anak." "Wala po yun mama." Pinag yayakap naman niya ang limang kapatid, ang kanyang ama at bago siya tuluyang naka alis. Nagtira lang siya ng tamang pera para sa kanyang pag alis. Dumiretso naman siya kay Dale sa opisina nito, akala niya makaka tuluyan na niya ang binatang isang taon na niyang kasintahan ngunit may mas sasaya pa. Ayaw man niyang saktan ang damdamin ng binata ngunit mas kailangan niyang magpakatotoo. Dahil sa takbo ng buhay pag sa isang bagay ka lang naka tuon ng pansin, hindi mo makikita ang magagandang bagay pa sa paligid. Yan ang na isip ni Camille, na naka tingin lang siya sa magandang nangyayare sa kanyang buhay na akala niya yun na ang pinaka maganda ngunit ng maka alpas siya sa lugar kong na saan siya palagi naka tuon ng pansin at saka lang niya na pansin ang ganda ng bagay sa paligid niya. Saka lang niya na hanap kong anu ba talaga ang gusto niya, kong anu ba talaga ang kailangan niya at kong anu ba talaga ang magpapasaya sa kanya. "Hindi ka papasok? Magpapahinga ka ba? Magandang ideya yan." "Oo, hindi nga ako papasok kase gusto ko nang mag resign." Napa kunot noo ang binata at napa tayu mula sa pagkakaupo. "Anung ibig mong sabihin? Wag mong sabihin na may nahanap kang mas magandang trabaho kesa sa pagiging cashier ng resto ko." "Hindi yun Dale, may importante lang akong kailangan gawin sana naman maintindihan mo ako." "May problema ka ba, may sakit ka ba? Anu?" Hindi makapag salita ni Camille ngunit kailangan niyang tatagan ang sarili sa sitwasyun niya ngayun, pinili niya ang naghihintay sa kanyang buhay kaya kailangan niya itong panindigan. "Wala akong sakit," gusto pa sana sabihin ng dalaga ang tunay na nangyare sa kanya ngunit alam niyang hindi siya maiitindihan nito at baka sabihing gumagawa lang siya ng kwento. "Gusto ko na rin makipag, hiwalay." "May kasalanan ba akong na gawa sayu, Camille?" "Wala, pero sana maintindihan mo ako." "Pero hindi kita maintindihan, anu ba talaga Camille?" "Gusto ko nang magresign at gusto ko nang tapusin kong anung meron sa atin. Alam ko masakit pero ayaw kitang lokohin, may mas magmamahal pa sayu at hindi ako ang makakapag bigay nun sayu. Hindi mo pa nakikita kase sa akin ka palagi naka tingin pero marami pa dyan." Hindi paren maintindihan ni Dale ang lahat ngunit isa lang ang pinapahiwatig ng dalaga sa kanya, na tapos na ang lahat. Isang nakaka binging katahimikan ang namagitan sa kanilang dalawa at napa ngiti ng mapait si Dale. Iniisip niya kong may mali ba siyang na gawa o may pagkukulang ba siya kay Camille. "Yun ba ang gusto mo? Ok," patango tango pa ang binata, "ok ibibigay ko sayu." "Patawarin mo ako, alam ko maiintindihan mo rin ako pero hindi pa ngayun, magiging malinaw din ang lahat sayu." Hindi na hinintay pa ni Camille ang sasabihin ng binata at agad na umalis sa resto. Kailangan niyang lisanin ang lahat na meron siya para magbagong buhay, pinag darasal na lamang niyang maiitindihan siya ng mga taong iniwan siya at ipagdasal na lang din na maging ayus din siya. Halo-halo ang emosyun na nararamdaman niya ng makarating siya ng terminal, saya, lungkot at inis. Punuan din sa mga bus na naka parada sa terminal dahil sa magbabakasyun na ang panahon ngayun. Pasalamat na lamang siya, naka bili siya ng ticket at sa aircon bus ang pinili niya para hindi siksikan. Naka upo siya sa pinaka dulong upuan at solo niya ang isang mahabang upuan doon. Buong biyahe na yakak-yakap ang sarili at paminsan minsan ay pinag mamasdan ang libro na dala niya tungkol sa Illustra. Umabot ng isang araw ang biyahe at kailangan na niyang bumaba sa terminal ng bus na yun. Maririnig niya ang sigawan ng mga tindera sa lenggwaheng ginagamit nila, ang Bicol. Napa daan siya sa isang aleng nag titinda ng isang sikat ng minatamis sa probinsyang yun, ang pili. "Magayon, bakal ng pili oh?" Alok nito sa kanya. "Hindi po," hindi man niya maintindihan ang sinabe ng ale ngunit sa kilos nito alam niya kong anung pinapa hiwatig nito sa dalaga. Kong anu-anu pang salita na bago sa kanya ang narinig ng dalaga at kakaiba sa kanyang pandinig. Bahagya ding malamig sa probinsyang na puntahan niya. Nagtanung tanung siya kong saan pa siya pwedeng pumunta o sumakay pa tungong Matnog. Dahil hanggang Sorsogon lang kanyang nasakyan kailangan pa niyang sumakay pa ng bus pa tungong Matnog sabe naman ng napag tanungan niya at laking pasalamat naman niya na nakapag tagalog ang mga ito. Sinunod nga niya ang sinabe nito at binaba siya sa isang lugar na kailangan niyang puntahan. Nasa harap siya ngayun ng isang gubat ngunit may diretsong daan patungo sa kong saan. Naglakad siya dahil mukhang walang bumabayaheng kahit na anung kotse doon. Nagiging pamilyar sa kanya ang lugar at natatandaan na niya dahil ito ang daan nung una siyang nakarating doon kasama si Eulexis. Sumagi na naman ang binata sa kanyang isipan kaya napa tanung siya sa kanyang isipan kong kumusta na ba ito. Napa hinto siya sa isang nagtataasang puno at natatanaw niya ang isang binatang tumayo mula sa pagkakaupo nang matanaw din siya. Kaya nagmadali siyang lumapit, dahil nasa lagusan na siya ng Illustra. Habang papalapit siya ng papalapit nakikita niyang si Kaden pala ang naghihintay sa kanya. 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD