DEATH 107 MANGHANG si Rovic sa lugar na puntahan niya, pagkatapos siyang ipakilala sa mga katulog at banday ng mansyon pumasok sila sa loob. Silang dalawa na lamang ni Amber ang magkasama habang naglalakad sa mahabang pasilyo, napaka linis at pwede kang magsalamin sa kintab ng sahig. May mga malalaking painting sa matataas na pader ng mansyon, meron ding mga mamahaling vase sa mga gilid at mga lumang kagamitin na pang display, napakataas din ng kisame na merong kakaibang naka guhit na hindi niya maintindihan kong anong ibig sabihin. Halos wala na rin siyang pake alam kong ano ba ang sinasabe ni Amber habang naglalakad sila, "---katulad nga ng sinabe merong pitong angkan sa kada tatlong mundo o kaharian ng mga immortal na katulad natin." "Huh?" Nahinto siya sa kanyang narinig at sumuly