CAGE 86 MAG-ISA lang si Sid sa kanyang silid, pagkatapos niyang magamot ay agad siyang umuwi sa mansyon nila na animoy walang nangyare. Agad naman naghilom ang sugat na meron siya sa likod dahil sa pakikipag laban sa dalagang nagngalang Laura. Katulad niyang nakaka alam sa mga nangyayare sa Swiss, ay nagtataka din. Hindi niya alam kong pinag uusapan ba ito ng mga Master nila para ipaalam ngunit parang ang lahat ng immortal sa Illustra ay payapang namumuhay, animoy walang iniisip sa nangyayare, kaya na isip ng binata na sila pa lang talaga ang nakaka alam ng lahat. Bagong bihis siya ng long sleeve na vneck na kulay abo, sumulyap naman siya sa salamin ngunit imbes na repleksyon niya ang makita, si Idlyn ang nakikita niya, namangha siya lalo na nang dahan-dahang naging paro-paru ang bawat