"Bakit hindi ka na lang bumalik dito sa Maynila at ayusin ang trabahong pinasok mo kesa sa pati ang lolo at lola mo pinapagod mo pa diyan!" Galit na sita ng Mommy niya sa kanya nang malaman nitong nasa San Ignacio siya. Sa ilang araw na pananatili niya sa San Ignacio napakiusapan niya ang lolo at lola niya na huwag muna ipaalam sa Mommy niya na naroon siya. Iyon nga lang nag dahil sa social media nalaman na ng Mommy niya kung nasaan siya. Hindi nga siya nagkamali na kakalat sa social media ang mga larawan niya sa Alcantara Hotel and Resort. May mga larawan rin siyang nakita na kasama niya si Troy, mabuti na lang at medyo nakayuko si Troy at hindi masyadong kita ang mukha nito. Pero sa mga nakakakilala kay Troy malalaman agad na si Dr. Troy Alcantara ang kasama niya. "Pati pag-aaral mo