"Salamat sa paghatid, Sebastian. Maraming salamat sa lahat," pasalamat niya nang huminto sa di kalayuan sa bahay ng asawa ng Mommy niya ang sasakyan nito, para nga naman hindi ito makita ng guard sa bahay o ng Mommy niya. "Hindi mo kailangan laging magpasalamat sa akin Eliana," saad nito sa kanya. "Gusto ko pa ring pasalamatan ka lagi, Sebastian," saad niya rito. Dahil nasira ang cellphone niya kanina sa pool agad siyang nabilhan ni Sebastian ng bago. Inutusan lang nito ang staff nito sa hotel at inihatid na sa penthouse nito ang cellphone na para sa kanya. Iba talaga pag makapangyarihan ka at mapera napakadali lang ng lahat. "Eliana tawagan mo ko pag may nangyaring hindi maganda anytime pwede kitang sunduin. Sabihin mo rin sa akin pag may desisyon ka ng tumira sa condo," litanya nito