Pina canceled niya ang lahat ng kanyang meeting ngayong araw dahil ngayon ang debut ni Eliana. Nais niyang masubabayan ang bawat pangyayari sa pinaka magandang araw ng buhay ni Eliana. Personal niyang inasikaso ang lahat ng kailangan para sa event. Kumuha siya ng magagaling na event organizer. Hindi niya tinitipid ang dekorasyon. Lahat maganda at mamahalin, ultimo ang bulaklak na pag design pinili pa rin niya ang magand at mahal. Nais niyang maibigay kay Eliana ang pinaka magandang debut, para naman hindi nito makakalimutan ang araw na ito. Nag decide siyang hindi magpapakita kay Eliana sa party nito. Hindi niya nais na makita siya nito at baka mag hinala pa ito na siya ang gumastos ng lahat ng ito. Sinabihan naman niya ang Tita Emma niya na siya na ang bahala sa lahat basta hindi malal