Matapos niyang maubos ang laman ng wine glass niya nag excuse na muna siya kay Mr. Valdez para hanapin si Doc Pogi kung ano ang ginagawa nito sa party at bakit invited din ito. Well, mayaman naman ito baka iyon ang dahilan kaya andito rin ito sa party. More on kasi sa mga guest na lalake sa party ni Mr. Valdez ay mga negosyante at mayayaman. "Where are you going, Tessa?" Nakangiting tanong sa kanya ni Mr. Valdez at hinawakan pa siya nito sa siko na agad din niyang inalis at pasimpleng umatras palayo rito. "Makikipag bonding lang ako sa ibang mga ka trabaho ko," tugon niya kay Mr. Valdez. "Ohh.. Well, sige, see you later beautiful, Tessa," saad ni Mr. Valdez sa kanya at bago pa siya nakaiwas nahawakan na nito ang kanyang kamay at dinala sa labi nito. Kahit ayaw niya wala siyang nagawa n