"Sebastian, let me explain," Eliana said nang makapasok na sila sa loob ng penthouse. "Go ahead, Eliana, explain everything! Paano mo nagawang makipagkita sa lalaking iyon at naka VIP room pa kayo sa coffee shop na iyon, after we got engaged last night!" Galit niyang litanya sa dalaga. Mabuti na lang at tinawagan niya ang security na kasama ni Eliana at hindi naman nag sinungaling ang mga ito sa kanya na nagtungo si Eliana sa isang coffee shop. Sinabi ng mga ito na mag isa lang daw ito, kaya nagduda na siya. Hindi tatambay mag isa si Eliana sa coffee shop, lalo na't alam nitong may security itong naghihintay rito. Hindi nga siya nagkamali sa kutob niya nang makita sa social media ang post ng isang fan ng Jamea na iyon. Nasa isang coffee shop ito at si Eliana, doon na siya nagduda lalo