Kinabukasan matamlay siyang bumangon sa kama. Sobrang bigat ng kanyang ulo dahil halos wala naman siyang tulog sa dami ng gumugulo sa kanyang isip. Nagtuloy siya sa bathroom para maligo at mag relax ng katawan. Hindi naman niya kailangan magmadali dahil wala naman siyang pasok ngayon dahil sabado. Iyon nga lang kung wala sin trabaho si Sebastian ngayon saan na lang siya pupunta para maiwasan ito. Hindi naman kasi sila pwedeng magkasama nito sa buong araw, tiyak na mag-aaway lang sila nito. Mabuti pang umiwas na lang siya, bahay naman ito Sebastian. Nagbihis siya matapos makaligo. Maong pants at simplesng blouse lang ang pinili niyang isuot, ayaw niyang magsuot muna sa mga pinamili sa kanya ni Sebastian. Isa pa mas kumportable naman kasi siya sa mga dati niyang damit. Confident siyang is