Hindi siya agad nakakibo sa sinabi ni Eliana. Hindi niya inaasahan na pupuntahan siya nito sa opisina niya at nagkataon pang naroon si Marjorie kanina. Hindi rin kasi niya alam kung ano ang pumasok sa isip ni Marjorie at bigla na lang siyang pinuntahan sa opisina niya. Yes, tinawagan siya nito at nais nitong makipagkita sa kanya, pero dahil nga kasama na niya si Eliana kaya hindi na niya nais pang i entertain si Marjorie. Tapos na ang sila nito. Bago pa naman sila nagsimula ni Marjorie nilinaw niya sa dalaga na hanggang kama lang sila nito at wala sila nitong pakialaman sa isat-isa. Pumayag naman ito sa ganoong set up at ngayon ay tila nagbago ito bigla. Kahit hindi sabihin sa kanya ni Marjorie may idea na siya na may alam na ito about kay Eliana. Marahil may balita nang nakarating rito