"Sinabi mo sa akin na mahal mo ko kaya mo ko pakakasalan Sebastian. Kaya may karapatan akong magtanong kung sino si Marjorie sa buhay mo, ano ang papel niya," taas mukhang saad sa kanya ni Eliana. Humugot siya ng malalim na paghinga. Wala siyang planong ipaalam pa kay Eliana kung ano man ang nakaraan nila ni Marjorie. Lalo na't wala namang ebidensya na nagkaroon sila ng intimate relationship ni Marjorie dahil pareho nilang pinili na itago iyon at ilihim. Lately nagbago bigla si Marjorie dahil nagsimula na siyang dumistansya rito. Nais na kasi niyang tapusin ang ano mang naging samahan nila, dahil kay Eliana. Naglilinis na siya ng kanyang mga kalat dahil magpapakasal na sila ni Eliana. Iyon nga lang mukhang hindi pa handa si Marjorie na itigil na ang kanilang ginagawa. Iyon ang dahilan kun