Nais niyang pagsisihan ang ginawang pagpapansin sa lalake dahil pinatulan siya nito nang biglang hilahin ng lalake ang dalawang kamay niya palapit rito. Bumunggo tuloy siya sa malaking katawan nito na gusto niyang pagsisisihan. Tumili siya para makakuha ng atensyon sa mga naroon at tulungan na siya. "Bakit bigla ka yatang umaayaw ah ganda?' Nakangising tanong ng lalake sa kanya. "Bitiwan mo ko!" Hiyaw niya habang pilit lumalayo sa lalaking mukhang gagawan siya ng hindi maganda kahit maraming tao sa paligid. Ginala niya ang mata para hanapin si Sebastian na inaasahan niyang magliligtas sa kanya. "Saglit lang ito ganda," ngising saad ng lalake at ngumuso sa kanya para halikan ang labi niya. Nag panic siya at pilit umiiwas sa lalake. "Get off!" Sigaw niya. "Sebastian, help me!" Nagawa n