NAKAUPO si Daryl sa executive chair niya. Nakatitig siya sa cellphone habang hinihintay ang tawag ni El Juanito. Hinihintay nito na pumayag ang Maria Cedez sa parehong inalok nito sa kaniya. "Daryl. It's time," sabi nito nang tumawag kay Daryl. "Are you ready?" Huminga siya nang malalim. "Si." Yes. Pagkatapos sabihin ni El Juanito ang lokasyon ay ibinaba na nito ang tawag. "Check the area," utos niya kay Marco. May oras pa naman bago ang pagtatagpo nila ni Richardo ng Maria Cedez. Tumango lang si Marco. Mabilis itong umalis para sundin ang utos niya. Para tingnan na rin nito kung talaga bang nagsasabi nang totoo si El Juanito. Mahirap na. Baka pupunta pala siya sa sariling libingan niya. Hours passed, and finally, Marco returned with a smile on his face. "What's the updat

