SA gazebo ng kanilang bakuran dumiretso si Carol imbes na sa loob ng bahay nila. Ayaw niya na makita ng mga magulang niya na umiiyak siya. Siguradong magtatanong ang mga ito. Sobrang sama ng loob ni Carol nang mga sandali iyon. Iyon ang pinaka-unang beses na umiyak siya nang dahil kay Daryl. Iyon na rin yata ang pinakamalala na naging away nila simula noong mga bata pa lang sila. At ang sakit-sakit pala. "Carol..." boses iyon ng binata na sumulpot sa likuran niya. "Umalis ka na," sa halip ay mariing sagot niya. "Ayaw kong makita ka. Hindi rin kita kakausapin. I hate you, Daryl. Pinagmukha mo akong masama kanina." Ngunit hindi nakinig si Daryl sa pagtataboy niya. Sa halip ay umupo ito sa tabi niya at niyakap siya. Sinubukan niya itong itulak pero mahigpit ang pagkakayakap nito k

